P8-B para sa 1 Milyon Matatanda

 

Sec. Taguiwalo
Sec. JUDY TAGUIWALO

Ni: Marites Badilla

 

AABOT sa  P8,255,820,000 lahat ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa social pension fund ng 1,375,970 matatandang Pilipino.

Sabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo,  ang mahigit P8 Bilyong pondo ng kagawaran para sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SocPen) ay nakalaan sa mahihina, sakitin, walang natatanggap na pensyon, at walang natatanggap na pera mula sa mga kamag-anak na mga matatanda.

Inilinaw ni Taguiwalo na nasa 54.20%, o P4,243,330,500 ng mahigit P8 Bilyon ang nagagamit ng DSWD.

Idniin ni Taguiwalo na “Caring for the poor elderly is very important, and it is necessary to build a national consciousness that cares for the vulnerable, neglected and the oppressed sectors of society.”

Ang SocPen ay P500 ang nakalaan kada buwan para sa mga matatanda para sa pang-araw-araw na pangangailangan at mga gamot.

Ayon sa DSWD, kailangang magpakita ng ID ng mga matatandang kukuha ng benepisyo, o kaya ay iyong kanilang mga  representante upang  matiyak na hindi magkakaroon ng problema ang benepisyong nakalaan sa mga matatanda.

Idiniin ni Taguiwalo na “to reach out to as many indigent senior citizens as possible and provide them with this pension fund. We appeal to all our OSCAs, the local government units, and even ordinary citizens to help our indigent seniors to access DSWD’s services, even only the SocPen.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like