P745-M PONDO, P101-M HALAGA NG PAGKAIN PARA SA BIKTIMA NI ‘LAWIN’

 

NASIRANG PAARALAN: Isa sa mga winasak ng bagyong 'Lawin' ang pampublikong paaralang ito sa Benguet.
 NASIRANG PAARALAN: Isa sa mga winasak ng bagyong ‘Lawin’ ang pampublikong paaralang ito sa Benguet.

Ni: Marites Badilla

 

NAKAHANDA ang pamahalaan sa epekto ng bagyong “Lawin,” kaya walang dapat ipag-alala ang mga nabiktima ng napakalakas na bagyo.

Ayon kay Secretary Judy Taguiwalo, mayroong nakahandang P745,729,683.18  pondo at P101,172,696.17   halaga ng pagkain ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagkain ay para sa mga pamilyang inilikas sa mga evacuation center sa Rehiyon 1,2,3, Cordillera Administrative Region (CAR), Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON), at Rehiyon 5, ani Taguiwalo.

Bukod diyan, mayroon ding

P246,474,063.47 halaga ng mga kakailanganing gamit tulad ng kumot, pamunas, at iba pa.

Anang kalihim, inaalam pa ng mga kawani ng DSWD sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal ang eksaktong mga pangangailangan pa ng mga biktima ng bagyo upang makatulong pa sa mga nasabing pamahalaang lokal sa anim na rehiyon.

Kasabay rito ang pagtitiyak ng kalihim na ang mga kawani ng DSWD ay nagtungo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyo upang maiparating na sa kanila ang mga kaukulang tulong at kanilang mga pangangailangan.

NANGUNA ANG KALIHIM: Pinangunahan ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo ang pamamahagi ng tulong ng pambansang pamahalaan saa mgaa nasalanta ng bagoyng 'Lawin' sa Tuguegarao, (litrato ng DSWD)
NANGUNA ANG KALIHIM: Pinangunahan ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo ang pamamahagi ng tulong ng pambansang pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyong ‘Lawin’ sa Tuguegarao, (litrato ng DSWD)

Ang layunin ng ginagawa ng DSWD ay “upang maihatid sa mga apektadong pamilya ang mga batayang pangangailangan nila,” diin ni Taguiwalo.

“We keep reporting figures and numbers because we really want to emphasize the urgency of the situation.  Many of our brothers and sisters are experiencing extreme difficulties because of the typhoons and their lives will be altered drastically when all this is over,” paliwanag ni Taguiwalo.

Sa kabilang banda, nanawagan si Taguiwalo sa mga hindi tinamaan ng bagyong Lawin na tumulong, o magboluntaryo, para sa kagalingan ng mga biktima.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like