P726-B Buwis ang Makukolekta ng BIR

 

Sec. CARLOS DOMINGUEZ III
Sec. CARLOS DOMINGUEZ III

Ni: Roy Bersales

 

AABOT sa P726 Bilyong buwis ang makukolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung babaguhin ang sistema ng pamumuwis sa bansa, diin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ang nasabing koleksyon ay katumbas ng 6.44 porsyento ng gross domestic product (GDP), tugon ni Dominguez.

Ang GDP ay sukatan ng pag-unlad, o pagbagsak, ng ekonomiya ng isang bansa.

Ngunit, makakamit lamang ang P726 Bilyon kung mababago ang 20-taong-gulang na sistema ng pamumuwis sa bansa.

Ang mga pagbabagong hangad na mangyari ng Department of Finance (DOF) ay pagtanggal sa mga eksemsyon ng mga produkto ng 12% value-added-tax (VAT), pagtaas ng excise tax ng mga produktong petrolyo, paglagay ng excise tax sa mga sasakyan, at pagdagdag ng buwis sa asukal.

Idagdag pa ng DOF ang pagtanggal sa mga butas at hindi episyenteng paraan at proseso ng paniningil ng buwis sa mamamayan at mga negosyante, tugon ng kalihim.

Aniya, ang gusto ng kasalukuyang administrasyon ay maging simple at madali ang proseso ng paniningil ng buwis ng pamahalaan.

Hangad din ng Department of Finance (DOF) na maging maayos at maaliwalas ang pakikitungo ng mga kawani ng BIR sa mga nagbabayad ng buwis, patuloy ng kalihim.

Ngunit, wala sa adyenda ni Dominguez na taasan ang parusa ng mga opisyal at kawani ng BIR na makagagawa ng krimen habang ginagampanan ang kanilang tungkulin at trabaho sa nabanggit na ahensya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like