P7.2-B 13th Month Pension, Ibibigay sa mga Pensyonado ng SSS

 

Ni: Marites Toledo

 

UMABOT sa kabuuang P7.2 Bilyon ang inilabas ng Social Security System (SSS) para sa 13th month pension ng mahigit 1 milyong pensyonadong kasapi ng ahensiya.

Ayon kay SSS Officer-in-Charge ng Benefits Administration Division Normita Doctor, ang benepisyong ilalabas ay bahagi ng mga programang Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) programs.

Makakatanggap din ng 13th month ang mga nakadepende sa mga pensyonado ang mga anak na menor de edadm ani Doctor.

Ngunit, inilinaw niya na hindi kasama sa makatatanggap ng 13th month pension iyong  mga partial disability pensioner na tumatanggap na ng pensyon nang hindi lalagpas sa 12 buwan.

“Maliban sa maagang pagbibigay ng 13th month pension, kasabay nilang tatanggapin ang regular na pensyon para sa Disyembre na nakabatay sa kanilang contingency date. Halimbawa, kung nag-retiro ang miyembro noong Hulyo 19, sa Disyembre 19 niya makukuha ang retirement pension,” paliwanag ng opisyal.

“Tulad ng 13th month pay na ibinibigay sa mga manggagawa bago mag-Pasko, katumbas ang SSS 13th month pension sa regular na buwanang benepisyong natatanggap ng mga pensyonado ng SSS,” tugon ng opisyal.

Aniya, nagagalak ang SSS sa pamumuno ni Dean Amado Valdez, Social Security Commission (SSC) chairman, dahil patuloy nitong ipinagkakaloob ang 13th month pension sa mga pensyonado bilang mahalaga at taunang tradisyon ng SSS na nagsimula noong 1988.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like