P580-B Infra Projects, Ikakasa Hanggang 2017

AABOT sa P580 Bilyon ang halaga ng labingpitong infrastructure projects na gustong masimulan ng administrasyong Duterte.

Ngunit, inilinaw ni Socioeconomic Planning Secretary  Ernesto Pernia sa media na ang 17 proyekto ay proyekto ng nakalipas na administrasyon.

Ani Pernia, na siya ring director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA), itutuloy lamang ng bagong administrasyon ang mga proyekto.

Ang mga proyekto na tungkol sa mga imprastrakturang kailangan ng bansa upang tuluyang umalagwa nang tuluy-tuloy ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Ang istatus ng 17 ay kasalukuyang nasa proseso ng bidding, banggit ni Pernia.

Ang bidding ay itinakda ng batas upang maiwasan ang dayaan at komisyon ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kung bubusisiin ang mga kaso sa Office of the Ombudsman, maraming opisyal ng pamahalaan at pribadong kumpanya ang kinasuhan ng katiwalian, korapsyon, o di kaya ay pandarambong dahil sa kawalan ng bidding.

Idiniin ni Pernia sa media na kailangang matapos ang bidding sa 2017 upang masimulan na rin ang mga proyekto sa parehong taon.

Ang mga proyekto na tulad ng mga modernong paliparan, mga malalapad na skyway na magdudugtong sa north expressway at south expressway, at iba pa. (Tapat News Team)

You May Also Like