P500-M, ipinangako ni Duterte para sa modernisasyon ng AFP Hospital

 

 

Ni: Marites Badilla
 
HINDI matatawaran ang kasiyahan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines Medical Center (AFPMC) sa pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghahatag siya ng P500 Milyong upang mapaunlad ang nasabing pagamutan.
 
Hangad ni Duterte na lalo pang mapagaganda ang AFPMC bago matapos ang taon, kaya siya nangakong magbibigay ng P500 Milyon.
 
Matatandaan na nagtungo si Duterte sa AFPMC kung saan nakita niyang kailangan pa ang ibayong pagpapaunlad ng nasabing pagamutan ng mga sundalo.
 
Ayon kay Col. Edgar Arevalo, hepe ng public affairs office ng AFP na “Ang ginawa ni Pangulong Duterte ay pagpapakita ng kanyang tunay na malasakit sa kalagayan ng mga sundalo at ng kanilang mga dependent.”
 
“Malaki ang aming pasasalamat sa aming commander-in-chief sa kanyang tulong sa mga sundalo. Malaking tulong ito upang lalong mapaunlad ang AFPMC,” tugon ni Arevalo.
 
Aminado si Arevalo na marami pa ring dapat paunlarin sa nasabing pagamutan ng mga sundalo.
 
Ang AFPMC ay matatagpuan sa V. Luna St. sa Quezon City.
 
Tiniyak ni Duterte na mabilis na mapapalabas ang P500 milyon upang masimulan na ang pagpapaganda ng AFPMC.
 
Ngunit, gusto ni Duterte na hindi makukurakot ang P500 Milyon.
“The President can always count on the AFP to always serve its mandate with vigor and dedication,” saad ni Arevalo.

You May Also Like