P400-B Badyet, Hindi Nakabawas sa Kahirapan

 

Ni: Denz Laguipo

 

IDINIIN ng isang bagitong mambabatas na P400 Bilyon ang itinaas sa badyet ng pamahalaan nitong nakalipas na taon, ngunit nanatiling malala ang kahirapan.

Dahil dito, gustong malaman ni Rep. Harry Roque (Kabayan party-list) na kung ang unang badyet ng administrasyong Duterte kung saan ay higit na mataas kaysa iniwang badyet ng administrasyong Aquino para ngayong 2016 ay siguradong mapakikinabangan ng mga mahihirap na siyang pinakamalaking bilang sa 104 milyong populasyon ng bansa.

Ilang bahagi na paglalaanan ng badyet ng administrasyong Duterte para sa 2017: P1.344 Trilyon ng P3.350 Trilyon ay mapupunta sa social services program ng pamahalaan tulad ng edukasyon na makakakuha ng P567.6 Bilyon. Kasama sa paglalagyan ng P567.6 Bilyon ay ang implemntasyon ng K to 12 program ng Department of Education (DepEd), pagpapatayo ng 37,492 karagdagang silid-aralan at pagrekrut ng 53,831 bagong mga guro. Ang sektor ng kalusugan ay P151.5 Bilyon ang badyet na gagamitin sa pagrekrut ng mga doktor, nars, kumadrona, at mga dentista. Nasa P295.2 Bilyon ang mapupunta sa social protection programs ng pamahalaan, kabilang ang conditional cash transfer (CCT) program, o Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na maayroong 4.62 Milyong benepisaryo. Ang inilaang pondo para sa ekonomiya ay P924 Bilyon na gagamitin sa pagpapaunlad ng iba’t ibang aspeto ng ekonomiya, kabilang ang pagpapaunlad sa agrikultura at lalawigan. Naglaan din ng P552.7 Bilyon ang pamahalaan para sa patuloy na pagsusulong ng Public-Private Partnership (PPP). – Denz Laguipo
Ilang bahagi na paglalaanan ng badyet ng administrasyong Duterte para sa 2017:
P1.344 Trilyon ng P3.350 Trilyon ay mapupunta sa social services program ng pamahalaan tulad ng edukasyon na makakakuha ng P567.6 Bilyon.
Kasama sa paglalagyan ng P567.6 Bilyon ay ang implemntasyon ng K to 12 program ng Department of Education (DepEd), pagpapatayo ng 37,492 karagdagang silid-aralan at pagrekrut ng 53,831 bagong mga guro.
Ang sektor ng kalusugan ay P151.5 Bilyon ang badyet na gagamitin sa pagrekrut ng mga doktor, nars, kumadrona, at mga dentista.
Nasa P295.2 Bilyon ang mapupunta sa social protection programs ng pamahalaan, kabilang ang conditional cash transfer (CCT) program, o Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na maayroong 4.62 Milyong benepisaryo.
Ang inilaang pondo para sa ekonomiya ay P924 Bilyon na gagamitin sa pagpapaunlad ng iba’t ibang aspeto ng ekonomiya, kabilang ang pagpapaunlad sa agrikultura at lalawigan.
Naglaan din ng P552.7 Bilyon ang pamahalaan para sa patuloy na pagsusulong ng Public-Private Partnership (PPP). – Denz Laguipo

Tinumbok ni Roque ang isyu sa pondo dahil kumbinsido siyang nasayang ang P400 Bilyon itinaas ng badyet ng pamahalaan sa nakalipas na taon, sapagkat nanatiling marami pa rin ang mga mahihirap na Pilipino.

Ang P3.350 Trilyong badyet na hinihingi ng administrasyong Duterte ay 11.6%ng itinaas mula sa badyet ngayong 2016.

Idiniin ni Davao City Rep. Karlo Alexei na sa hinihinging P3.350 Trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa 2017 ay siguradong “the government will ensure that no one is left behind in the pursuit of equitable prosperity.”

Sa kanyang pagtatanggol sa P3.350 Trilyong hinihinging badyet na binansagang “A Budget Real Change,” idiniin ni Nograles na popondohan nito ang unang bahagi ng 10 puntong adyenda ng administrasyong Duterte na magpapa-angat at magpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Ang plata-porma ng pamahalaan para sa loob ng anim na taon ay sinasabing magbibigay ng pagbabago sa bansa, partikular sa buhay ng napakaraming mahihirap na mga Pilipino.

Sabi pa ng mambabatas na titiyakin ng badyet na ang limitadong resources ng bansa ay magtutulak sa pamahalaan upang maging epektibo ito sa paglilingkod sa mamamayan hanggang iyong mga naninirahan sa malalayong lugar sa bansa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like