P4.5-M Pekeng Produkto Kumpiskado, 7 Arestado sa 2 Operasyon ng AFCCU

 

CHIEF SUPT. ROEL OBUSAN
CHIEF SUPT. ROEL OBUSAN

Ni: Roy Bersales

 

UMABOT sa P4.5 Milyong halaga ng pekeng produkto ng Unilever Philippines ang nakumpiska at 6 na Intsik at isang Pilipino ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng Anti-Fraud Commercial Crimes Unit (AFCCU) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Manila at Malabon City nitong Biyernes.

Ayon kay Chief Supt. Roel Obusan, hepe ng CIDG, ang magkahiwalay na operasyon sa isang tindahan sa Carriedo St. Quiapo, Manila at bodega sa   Industrial Avenue sa Potrero, Malabon ay nakabatay sa search warrants na inilabas ng korte.

Ani Obusan, ang operasyon ay batay sa reklamo ng Unilever Philippines.

Hindi isinapubliko ni Obusan ang mga pagkakakilanlan ng pitong suspek.

Ngunit, tiniyak ni Supt. Raymund Laguden, hepe ng AFCCU, na ng pito ay sasampahan ng mga kasong kriminal dahil kanilang sadyang paglabag sa Seksyon 155 (trademark infringement) ng Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).

Ani Laguden, ihahain ang mga kaso ngayong Lunes (Disyembre 12).

Ang mga nakumpiskang produktong P4.5 Milyon ang halaga ay ipinasa na ng AFCCU sa O.M. Manahan and Associates, abogado ng Unilever.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like