P306-B, Kinita ng turismo

Ibinida ng Department of Tourism (DOT) na lumobo sa P306-6 bilyon ang kinita ng sektor ng turismo nitong 2015.

Ang kita ay 8.2 porsiyentong paglaki mula 2015, ayon kay DOT Secretary Ramon Jimenez Jr.

Ang P303.6 bilyon ay ang kabuuang halaga ng inilabas na salapi ng mga turista at mga kompanya sa industriya nitong nakalipas na taon kung kaya umangat lalo na ang industriya ng turismo.

Nagbigay din ng trabaho ang turismo sa 49.8 milyong Pilipino sa parehong taon.

Nangangahulugan lamang na signipikante ang inambag ng industriya ng turismo sa ekomomiya ng bansa.

Ikatlo ang industriya sa nagpaangat sa gross domestic product (GDP) nitong 2015.

Nangunguna ang trade industry at ikalawa naman ang real estate industry.

Idiniin ni Jimenez na napakalaki ng papel na ginampan ng islogang “It’s more fun in the Philippines” dahil nakaakit ito ng napakaraming turista mula sa iba’t ibang panig ng daigdig upang dayuhin at dalawin ang mga magagandang lugar sa Pilipinas.

Siyempre, ang nasabing islogan ay pinalaman ng mga positibong pananaw sa lahat ng stakeholders ng industriya ng turismo, pagtutulungan at magandang relasyon ng pamahalaan at probadong sektor, at agresibbong marketing strategy, saad ni Jimenez.

Tinatapos na ng DOT ang plano nito para sa 2016 -2022 upang paaprubahan sa paparatapos na administrasyong Aquino at papalit na administrasyong Duterte.

Kumbinsido si Jimenez na patuloy na magiging estratehiko ang papel ng turismo sa ekonomiya at pagkakaroon ng trabaho sa mga Pilipino. (Tapat)

You May Also Like