P2,000 umento sa SSS Pensyon, Ipapasa ng Senado

 

Sen. RICHARD GORDON
Sen. RICHARD GORDON

Ni: Roy Bersales

 

INAASAHANG papasa sa Senado ang mungkahing P2,000 umento sa pensyon ng mga retiradong manggagawang kasapi ng Social Security System (SSS) makaraang aprubahan ang naturang mungkahing batas sa antas ng komite kahapon (Miyerkules).

Kumbinsido si Senador Richard Gordon, pinuno ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, na aaprubahan sa susunod na buwan ng buong kasapian ng Senado ang

mungkahing batas na nagtataas sa buwanang pensyon ng mga retiradong manggagawa na kasapi ng SSS.

Inaasahang papasa rin ang parehong panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pagkatapos na aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, iaakyat ito sa Bicameral Conference  Committee, o Bicam (ikatlong kapulungan ng Kongreso), upang pinal na ipasa ang panukalang batas.

Pagkatapos sa Bicam, ipapasa ang panukalang batas sa Tanggapan ng Pangulo upang gawing batas ang mungkahing batas.

Nitong nakalipas na Kongreso, ipinasa na rin nito ang perehong panukalang batas, ngunit hindi inaprubahan ni dating Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III, sapagkat naniniwala siyang malulugi ang SSS sa kalaunan.

Ang posisyon ni Aquino ay pareho sa pananaw ng SSS sa pamumuno ni Emilio de Quiros Jr.

Umaasa ang mga organisasyon ng mga manggagawa tulad ng Partido Manggagawa (PM), Federation of Free Workers (FFW), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), at Bukluran ng mga Manggagawang Pilipino (BMP), sapagkat kumbinsido silang makatarungan ang nasabing umento.

Sabi nga noon ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW, hindi niya maintindihan kung bakit hindi ibigay ng pamahalaan ang P2,000 umento sa buwanang pensyon ng mga manggagawa, gayong kung tutuusin ay napakaliit ng halagang ito kung susukatin ang napakalaking halaga na ginawa at inambag nila upang yumaman nang husto ang napakaraming kapitalista.

Ani Matula, kung bibilangin nang mabuti, napaliit ng P2,000 kumpara sa P50 na ibinibigay ng pamahalaan kada araw sa bawat bilanggong nasa mga piitang minimintina at pinamamahalaan ng gobyerno.

Kaya, wala umanong makatwirang dahilan kung bakit dapat na ipagdamot ng pamahalaan ang pensyon ng mga manggagawa, patuloy ni Atty. Matula.

Sabi din dati ni Atty. Allan Montano, dating pangulo ng FFW, mandato ng SSS na itaas ang pensyon ng mga manggagawa.

Ang pagbibigay at pagtataas sa pensyon ng mga manggagawa ang siyang dahilan kung bakit itinayo ang SSS, diin ni Montano.

Sa pagpasa sa komite sa Senado, idiniin ni Gordon na walang nakikitang anumang dahilan na hindi kaya ng SSS na dagdagan ang pensyon ng P2,000 kada araw, samantalang ang mga namumuno sa SSS ay sumasahod ng P2 Milyon hanggang P5 Milyon.

Anang mambabatas, ang dapat gawin ng SSS ay maghanap ng paraan kung paano maipatutupad ang umento, hindi iyong magrereklamo ang pamunuan ng SSS.

Ang bagong chairman ng SSS ay si Dean Amado Valdez, dating dekano ng School of Law sa isang unibersidad sa Maynila.

Pinalitan ni Valdez si Juan Santos.

Inaasahan ding mapapalitan din si De Quiros makaraang maghain ito ng resignasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte .

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like