P2,000 Pensiyon

 

INUNA na ng mga mambabatas sa Senado at Kamara del Representantes na bigyan ng pansin ang panukalang batas para sa karagdagang P2,000 sa buwanang pensiyon ng mga pensiyonadong kasapi ng Social Security System (SSS).

Nakapasa na sa mga komite ng dalawang dibisyon ng Kongreso.

Sana huwag nang paabutin sa Nobyembre 1 ang pagpasa ng mga mambabatas sa mungkahing P2,000 dagdag sa pensiyon ng mga matatanda nang manggagawa para maisabatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung aabot kasi sa Nobyembre 1, napakasama namang itinapat pa sa araw ng mga patay ang pandiriwang ng mga manggagawa sa para sa karagdagang  ‘P2,000 pensiyon’ ng mga retiradong obrero.

At sana rin, kung maipadala na kay Duterte ay pirmahan agad niya ito.

Huwag niyang gayahin si dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kinuwestiyon ang kawastuhan at kahalagahan ng P2,000 umento sa pensiyon.

Kinastigo pa ni Aquino ang mga manggagawaa at mga mambabatas na nagsusulong nito.

Todo-suporta naman ang pamunuan ng SSS sa desisyon ng dating pangulo.

Sa pagkakataong ito, hindi na tutol ang pamunuan ng SSS sa pangunguna ni Emil de Quiroz.

Pero, ang gustong mangyari ng pangkat ni De Quiroz ay taasan ang inihuhulog ng mga manggagawa kada buwan upang hindi maging bangkarote ang SSS pagdating ng 2030.

Mali ‘yang mungkahi ni De Quiroz.

Ang tama ay bawasan ang kanyang suweldo at iba pang mga opisyal ng SSS dahil milyun-milyon naman ito.

Kung tutuusin ay bumaba na ang halaga ng P2,000 dahil ang panukalang batas ay noon pang ika-14 na Kongreso inihain.

Paulit-ulit iyong inihahain sa bawat bagong Kongreso, kaso hindi pumapasa.

Nitong nakalipas na ika-6 na Kongreso ay ipinasa ang nasabing panukala, ngunit tinadyakan pabalik ng Pangulo ang desisyon ng mga mambabatas.

Noong unang ipasa ang panukalang umento sa pensiyon ay iba-ibang halaga ‘yan.

Mayroon ngang P,5000 at P10,000 hanggang nagkaroon ng kompromiso ang mga mambabatas na gawin itong P2,000 para pumasa lang sa Kamara.

Kung papaabutin pa ito ng mga mambabatas sa halalang 2019 bago aprubahan, walang ibang ibig sabihin ito kundi ginagamit na lang na materyal sa eleksiyon para masabi ng mga boyante na si senador ganoon at ganyan at kongresista ganyan at ganoon ay maraming nagawa para sa mga manggagawa dahil isa sila sa nagpursigeng maipasa ang panukalang batas hinggil sa karagdagang P2,000 sa pensiyon ng mga pensiyonado ng SSS.

Tigilan n’yo na ‘yan, sapagkat bistadong-bistado na kayo ng publiko sa panloloko n’yo sa kanila.

Ang gusto ng mga manggagawa ay ipasa na agad ang P2,000 dagdag pensiyon ng mga matatangang manggagawa na pawang mga kasapi ng SSS.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like