P20-B NILAMON NI ‘LAWIN’, ‘KAREN’

 

bagyo-sa-baguioNi: Roy Bersales

 

MAHIGIT P20 Bilyon ang kabuuang halaga ang pinsalang nagawa ng dalawang bagyong magkasunod na pumasok sa bansa kamakailan, ayon sa Department  of Agriculture (DA).

Sabi ni DA Secretary Emmanuel Pinol, P10.21 Bilyong halaga ang nawasak sa agrikultura ng bagyong Lawin at Karen.

Ang dalawang bagyo ay magkasunod na pumasok sa bansa, partikular sa bahaging Norte.

Katumbas sa 244,780 metro toneladang produksyon ng mga produktong agrikultural ang P10.21 Bilyong nasira ng dalawang bagyo, banggit ni Pinol.

Ang taniman ng bigas ang nakatikim ng pinakamasahol na epekto dahil 98 porsyento ang nasapul dito kung saan 60,494 na magsasaka ang apektado, patuloy ng kalihim.

Bukod sa bigas, tinamaan din ang mga gulay, mais, at maging ang mga palaisdaan ay napinsala rin.

Malaki ang nasayang, sapagkat marami na sanang pamilyang Pilipino ang dapat sanay nakinabang sa mga nasabing produkto, ngunit iyan naman ang palaging hamon ng bagyong pumapasok sa bansa.

Ayon sa talaan ng DA, ang mga apektadong sakahan ay Cordillera Administrative Region (CAR), Rehiyon 1, 2, 3, 4-A, 5 at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

Inamin ni Chris Morales, hepe ng Field Program and Operational Planning ng DA, binugbog nina Lawin at Karen ang agrikultura, lalo na ang produksyon ng bigas.

Kaunti lang sa mais dahil umabot lamang sa 5,739 metro tonelada ang napinsala na P602.3 Milyon ang halaga, saad ni Morales.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like