P2.8-B Pondo sa ‘Iskolar ng Bayan,’ Hindi pa Nagagamit ng CHED

 

Ni: Marites Badilla

 

NABUNYAG sa Committee on Appropriations ng Kamara del Representantes  ngayong Huwebes na P2.8 Bilyong pondong nakalaan sa ‘Iskolar ng Bayan’ ng Commission on Higher Education (CHED) ang hindi pa pala nagagamit gayong Setyembre na.

Tuwing Hunyo nagsisimula ang pasukan sa kolehiyo sa Pilipinas.

Ang P2.8 Bilyon ay katumbas ng 65% ng kabuuang pondo.

Ang nasabing pondo ay nakalaan sa matrikula at iba pang bayarin ng mga iskolar na galing sa mga mahirap na pamilya.

Ang iskolar ay kailangan matataas ang marka upang makasali sa scholarship program ng CHED.

Nadiskubre ang kapabayaan ng CHED habang tinatalakay ang hinihinging P13.367 Bilyong badyet ng CHED para sa susunod na taon.

Kasama sa P13.367 Bilyon ang P5.5 Bilyong scholarsgip fund para sa 2017.

Ayon kay CHED chairperson, Dr.  Patricia Licuanan, ang natitirang P2.8 Bilyon ay ipapamahagi ng CHED sa mga iskolar ng ahensiya hanggang 2017.

Sa rekord ng Kamara del Representantes, taun-taon naman ay mayroong natitirang P1 Bilyon sa CHED scholarship fund.

Subalit ikinagulat ng ilang kongresista ang P2.8 Bilyong tira, sapagkat ito ang siyang pinakamalaki sa lahat.

Dahil dito, diretsahang tinumbok ni Rep. Julieta R. Cortuna ng A – Teacher party-list group ang makupad na paggampan ng CHED sa trabaho nito para sa mga iskolar ng bayan.

Idiniin ni Cortuna na kailangang magdagdag ng mga kawani ang CHED upang matapos na ang problemang ito sa pondo ng mga iskolar ng bayan.

Kung hindi mabibigyan ng tama at epektibong solusyon, tiyak paulit-ulit na lamang na mayroong bilyun-bilyong pondo ng pamahalaan para sa mga iskolar ang nakatengga sa CHED.

Kaya, hiningan ng ilang kasapi ng Appropriations Committee si Cunanan ng kongkretong plano kung paano matatapos ang problema sa pondo ng mga iskolar.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like