P15,000 Taas-Sahod sa Guro, Buhay na naman

 

 

Ni: Marites Badilla
 
MULING inihain ni Marikina City Rep. Romero Quimbo P15,000 Taas-Sahod sa Guro, Buhay na naman ang panukalang dagdagan ng P15,000 kada buwan ang sahod ng mga guro sa pampulikong paaralan.
 
Ani Quimbo, kailangang itaas ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan dahil sa kabila ng kanilang pagpapakahirap na turuan at hubugin ang mga bata upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa ay maliit lamang ang sinasahod ng mgaa guro.
 
Ayon sa House Bill No. 195, mungkahi ni Quimbo na  P15,000 ang dadag na sahod kada buwan ng mga guro sa pampublikong paaralan.  
  
Ang HB 195 ay naipasa na sa Committee on Appropriations ng Kamara del Representantes.
 
Nitong nakalipas na ika15 Kongreso, inihain na rin ni Quimpo ang parehong panukalang batas, ngunit hindi nakalusot sa mga mambabatas.
 
Si Quimpo, representante ng Distrito 2 ng Marikina City sa Kamara, ay kumbinsidong kailangang itaas ang sahod ng mga guro, sapagkat ang kasalukuyang sahod nila ay hindi na sapat sa mga pang-araw-araw na gastusin at buwanang bayarin.
 
“Even with the enactment of Republic Act No. 4670, or the Magna Carta for Public School Teachers, the social and economic status, as well as the living and working conditions of teachers, have remained the same, if not worsened,” ani Quimbo.
 
Ayon pa sa kanya, “If genuine inclusive growth is to be realized, then certain investments must be made in order to improve the quality of education in the country, through prioritization of those who are directly engaged in educating the nation’s youth.”
 
Ipinaalala ng kongresista na idinidikta ng Saligang-Batas na prayoridad sa pagbabayet ng estado ang edukasyon, kabilang na ang sahod ng mga guro.

You May Also Like