P108-M ibinigay sa Cordillera ng DILG

Ni: Marites Badilla
 
NAKATANGGAP ng P108.966 Milyong halaga ng proyekto ang
mga pamahalang lokal sa lalawigan ng Cordillera mula sa Department of the interior and Local Government (DILG).
  
Ayon sa press statement ng DILG, pinangunahan ni DILG Cordillera Administrative Region (DILG-CAR) Regional Director Marlo L. Iringan ang pamamahagi ng higit P108 Milyon sa mga opisyal ng mga pamahalaang lokal sa naturang lalawigan.
 
Ayo kay Iringan, ang P86.966 Milyon para sa 19 na mga proyekto.
 
May hiwalay na P22 Milyon para sa tatlo pang proyekto, saad ni Iringan.
 
Ang ilan saa mga nakatanggap ay ang Baguio City sa halagang  P5 Milyon bilang Performance Challenge Fund (PCF), saad ni Iringan.
 
Ang P5 Milyon ay premyo nila dahil sa nakuha nilang “2015 Seal of Good Local Governance (SGLG).
 
Nabatid ng Tapat News online at bi-monthly newspaper na ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagpapatayo ng terminal ng mga sasakyan sa  City Camp Area.
 
Ang lalawigan ng Ifugao ay nakatanggap ng P16.34 Milyon na gagamitin para implementasyon ng proyektong “Sagana at Ligtas na Tubig” at tatlo pang proyekto sa ilalim ng sistemang “DILG-Bottom-up Budgeting.”
 
Mula sa P16.34 Milyon, ang dalawang milyon dito ay ilalaan sa pagtatayo ng patubig sa Banao sa Banaue.
 
Ito ay sakop pa rin ng proyektong “2015 Sagana at Ligtas na Tubig para sa Lahat (SALINTUBIG).”
 
Nakatanggap din ng karagdagang P5.6 Milyon bilang unang bahagi ng P7 Milyong ipapatayong Urban Water Supply Phase2 sa Kiangan, Ifugao.
 
Umabot naman sa P8.24 Milyon ang unang bahagi ng P10.3 Milyong proyekto hinggil sa pagpapalawak at pagsasaayos ng patubig saa pitong barangay sa Alfonso Lista.
 
Samantala, ng natitirang P500,000.00 ay gagamitin naman sa pagbubukas ng patubig sa Dayandi-Tinangaan sa Hungduan.
 
Kaugnay pa rin sa bigayan ng mga pondo para sa samu’t saring proyekto ng DILG, makatatanggap ang Balbalan, Kalinga ng P960,000.00 mula sa P1.2 Milyon na nakalaan sa proyektong “flood control” ng DILG- BuB.
 
Aabot sa P26.696 Milyon ang mapupunta sa Apayao para sa tatlong proyekto nito (potable water supply sa Sta. Marcela na P2.696 Milyon ang halaga;
konstruksiyon ng Level I/II water supply sa dalawang barangay sa Luna, Apayao sa halagang P4.8 Milyong; at ang pagbubukas ng Eva-Cadaclan Road na proyekto ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) na ang halaga ay P19.2 Milyon bilang unang bahagi ng P24 Milyong halaga ng proyekto.
 
Ang pamahalaang lokal ng Abra ay nakatanggap ng P25.88 Milyon para sa limang proyekto.
 
Dalawang milyon mula sa nasabing halaga ay gagamitin sa pagpapatayo sa Tamac Level II water system sa Villaviciosa sa ilalim ng programang SALINTUBIG.
 
Bukod sa nabanggit, marami pang paglalaanang proyekto ng pondong ibinigay ng DILG hanggang sa iba pang pamahalaang lokal ng Cordillera tulad ng Abra at Bontoc.

You May Also Like