P100-M, Pambuhay sa Abaca Industry sa Leyte

 

 

 Ni: Marites Badilla
 
NAGTUNGO si Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Pinol sa Sogod, Southern Leyte kung saan dala niya ang P100 Milyon upang muling palakasin ang industriya ng Abaca sa nasabing lalawigan.
 
Ani Pinol, kailangan muling  palakasin ang industriya ng Abaca, sapagkat malaking tulong ito sa mga residente ng lalawigan.
 
Nabatid ng Tapat News online at bi-monthly newspaper na nakumbinsi ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na maglaan ng P100 milyong pondo sa Southern Leyte dahil ayon kay Sogod Mayor Imelda Tan maganda ang buhay ng mga residente noong malakas ang industriya ng Abaca sa lalawigan.
 
Ani Pinol, ang P100 Milyon ay gagamitin sa pagpapatayo ng nursery sa pagpapaunlad ng industriya ng Abaca.
 
Gagamitin ang lokal na Abaca variety na kung tawagin ay “Inusa” sa pagpapaunlad ng naturang industriya.
 
Sabi ni Tan kay Pinol, may sapat na pera ang mga residente na kailangan ng mga magulang sa pagpapaaral ng kani-kanilang mga anak.
 
Batay sa rekord ng DA, bumagsak ang industriya ng Abaca dahil tinamaan ito ng mga sakit tulad ng “bunchy top” na pumapatay sa Abaca.
 
Matagal nang humihingi ang mga residente ng Southern Leyte, maging ang Samar at Bicol, ngunit hindi sila inintindi ng pamahalaan.
 
Ang pagbuhay ng industriya ng Abaca ay inaasahang kikita ng P12 Bilyon kada taon na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

You May Also Like