P100-M, NATANGGAP NI DE LIMA SA ‘BILIBID DRUG LORDS’

 

Sen. LEILA DE LIMA: Tiyak masakit para sa kanya ang idiin sa mga krimeng nagaganap sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Kasama sa mga krimeng nabanggit sa pagdinig ng Kamara del Representantes ay betahan ng shabu, prostitusyon, at suga kapalit ang pagpaparating sa kanya ng mahigit P100 Milyon ,mula Nobyembre 2012 katuwang ang balitang-balita sa Pilipinas na kasintahan at drivver niya na si Ronnie Dayan ng Pangasinan,
Sen. LEILA DE LIMA: Tiyak masakit para sa kanya ang idiin sa mga krimeng naganap sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ). Kasama sa mga krimeng nabanggit sa pagdinig ng Kamara del Representantes ay bentahan ng shabu, prostitusyon, at sugal kapalit ang umanoy pagpaparating sa kanya ng mahigit P100 Milyon ,mula Nobyembre 2012, katuwang ang balitang-balita sa Pilipinas na kasintahan at driver niya na si Ronnie Dayan ng Pangasinan,

Ni: Roy Bersales

 

MAHIGIT P100 Milyon lahat ang natanggap ni Senadora Leila de Lima mula sa mga drug lord ng New Bilibid Prison (NBP), ayon sa apat na mga testigo ng Department of Justice (DOJ) sa 11-oras na pagdinig ng House Committee on Justice nitong Martes.

IIsa-isahin natin: P3 Milyon kada buwan simula Oktubre 2013 (banggit ni Herbert Colanggo-tunay na pangalan ni Herbert Colangco), P10 Milyon lahat noong Nobyembre at Disyembre 2012 (sabi nina dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy director at dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos at NBI aget Jovencio Ablen Jr., P3,000 lang naibibigay ng mga drug lord (ayon kay Rodolfo Magleo, dating police superintendent na nakulong dahil sa kidnapping).

Idiniin nina Colanggo at Magleo, ang buwanang parating ay ‘padulas,’ o ‘pampasaya’ kay De Lima upang malayang-malayang magagawa ng mga drug lord ang guston nilang gawin sa loob ng NBP tulad ng bentahan ng shabu, prostitusyon, sugal, konsyerto, at masarap na buhay.

Ang nabanggit na halaga (labas sa P10 Milyong ipinarating nina Ragos at Ablen) ay mula lamang kay Colanggo at mga drug lord.

Iyong ipinadala nina Ragos at Ablen na tig-P5 Milyon noong Nobyembre at Disyembre 2012 ay nakalagay sa kanilang affidavit na ipinasa nila sa DOJ nitong unang linggo ng buwang kasalukuyan.

Anila, si Ronnie Dayan ang kumontak kay Ragos sa parehong P5 Milyon.

HERBERT COLANGGO: 'Naghahatag po ang drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP) kay Sen. Leila De Lima noong siya ang kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).'
HERBERT COLANGGO: ‘Naghahatag po ang drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP) kay Sen. Leila De Lima noong siya ang kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).’

Si Dayan din ang tumanggap ng pera na nakagay sa isang bag na itim (Nobyembre) at transpatent (Disyembre) sa bahay ni De Lima sa Paranaque City, diin nina Ragos at Ablen.

Baliitang-balita na sa Pilipinas na si Dayan ay driver, bodyguard, at nobyo umano ni De Lima.

Sabi ni Ragos sa pagdinig, hindi siya nakapagbigay ng P5 Milyon (Enero 2013) kasi mahirap din talaga,sapagkat baguhan siya sa BuCor.

Kaya, tinanggal siya ni De Lima noong Pebrero (kung natatandaan niya nang tama ang buwan).

Itinuro niya si Dayan na siyang nagsabi kay De Lima na tanggalin siya ng dating kalihim ng DOJ dahil hindi niya tuluy-tuloy na naiparating ang buwanang P5 Milyon na kota pala para kay De Lima.

Wala pa iyong ipinararating ng mga tulad nina Peter Co at Jayvee Sebastian, mga kilalang higante sa drug trafficking sa loob ng NBP.

Si Co ang minsang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na numero unong drug lord sa Pilipinas.

Ibinunyag ni Magleo, bata ni Sebastian, na minsan nang inamin sa kanya ng kanyang amo na si Sebastian na nagbibigay din siya ng malaking halaga ng pera kay de Lima upang magawa niya ang lahat ng gustuhin niya sa loob ng NBP.

Ang unang bahagi ng pagdinig ng House Committee on Justice, inilabas ni Justice Sec. Vitallano Aguirre II ang isang dokumentaryo ng Documentary Channel ni Sebastian.

Ganito ang buladas ni Sebastian sa naturang dokumentaryo: “My weapon is this. Computer, media, camera. We have our own TV network. I think it is safe to claim that this is the first and ever network inside the Maximum Security Facility.”

“It’s like a normal TV network wherein you have a local news network, late night show, noontime show, comedy, drama,” patuloy ni Sebastian.

Minarkahan ito bilang bahagi ng ebidensiya laban kay De Lima.

RONNIE DAYAN: Mayroong 'say' sa pagtatalaga ng opisyal sa Bureau of Corrections (BuCor) sabi ni dating National Bureau of Investigation deputy director at BuCor chief Ragos.
RONNIE DAYAN: Mayroong ‘say’ sa pagtatalaga ng opisyal sa Bureau of Corrections (BuCor) sabi ni dating National Bureau of Investigation deputy director at BuCor chief Rafael Ragos.

Sa tingin ni Magleo, sina Sebastian at De Lima ay ‘magkaibigan,’ sapagkat ang senadora ay pumuntang mag-isa sa “kubol” (tirahan ng mga ispesyal na bilanggo sa loob ng NBP na sila ang nagpagawa) noong kalihim pa siya ng DOJ kung saan nanatili siya ng 2, o tatlong oras.

Inilinaw din sa parehong pagdinig nina Colanggo at Magleo na ang buwanang ‘parating’ kay De Lima ay iba pa sa inihahatag sa kanya sa iba’t ibang usapin.

Halimbawa, ayon kay Colanggo, nagbibigay pa siya ng hiwalay na P1 Milyon tuwing maglulunsad siya ng konsyerto.

Sa konsyerto, lahat ng kailangan ay malayang-malayang nakapapasok, pati beer, sa loob hanggang sa maximum security compound ng NBP.

Pati secretary ni De Lima ay inabutan din ni Colanggo ng mahigit P1 milyon at hepe ng BuCor ng P1.2 Milyon.

Ibinunya ni Magleo na si Sebastian ay nagparating ng P10 Milyon kay De Lima para sa paglipat ng mga drug lord, kasama si Colanggo, sa NBI Detention Center.

Sabi ni Magleo, ang shabu ni Sebastian ay galing kina Peter Co, Ben Marcelo, Yong Yin, Alex Chen, at Jackson Li.

Sabi ni Magleo, minsan nang ikinuwento sa kanya ni Co na ang kanyang makukolekta ay aabot ng P1 Bilyon sa isang buwan.

Hindi lang naitanong sa kanya kung ito ay nangyayari kada buwan.

Ang imbestigasyon ng Kamara del Representantes ay resulta ng pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa drug matrix sa NBP na kinasasangkutan nina De Lima, Dayan, at iba pang indibidwal na pawang mga taga-Pangasinan, kabilang si dating gobernador at ngayon ay representante ng ika-5 distrito ng Pangasinan na si Amado Espino Jr.

Tahasang itinanggi ni De Lima ang lahat ng paratang laban sa kanya.

Kumampi naman si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kay De Lima na nagsabing may galit sina Colanggo at Magleo kay Sebastian dahil ang huli ay naging ‘espiya’ ng pamahalaan laban sa talamak na negosyo ng droga sa NBP.

Ngunit, walang pahayag si Alejano na si Magleo ay ‘bata’ ni Sebastian.

Wala ring pahayag ang kongresista sa pagpapatakbo ni Sebastian ng Discovery Channel na ipinakita sa unang bahagi ng pagdinig.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like