P100-M Gamit Pagsasaka, Kinalawang Lang

Ni: Edward Mico Joseph Agustin

MGA gamit pagsasaka na P100 milyon ang halaga ang nadiskubre ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na kinalawang lamang.

Ang mga gamit ay nadiskubre ni  Piñol na nakaimbak sa isang 35-ektaryang compound ng Department of Agriculture (DA) sa Tupi, South Cotabato.

Kabilang sa mga kinakalawang na mamahaling traktora at pang-ani ng mga palay at mais.

Nadismaya ng kalihim na isang taon na palang nakatago sa DA compound ang mga gamit pagsasaka.

 

 

“What I saw gave me a mixed feeling of anger and pity. Nanghina ang tuhod ko habang nakikita kong sira sira na ang mga ito, malaking tulong sana ito sa mga magsasaka lalo na sa El Niño,” ani Piñol.

Ayon kay Carlene Collado, pansamantalang pinuno ng DA sa Cotabato, hindi naipamahagi ang mga kagamitan sa mga magsasaka, sapagkat hindi nakapagbayad ang mga magsasaka na ang halaga ay katumbas ng 15 porsyentong halaga ng mga nasabing gamit pagsasaka.

Idiniin ni Piñol na “Honestly, I do not understand why farmers would have to be asked to complete the payment for machinery procured by the government.”

You May Also Like