P1.77 Bilyong Droga, Winasak ng PDEA

SIMULA PA LANG 'TO: Pang higit P1 blyong halaga ng shabu ang sinunog ng mga awtoridad sa pangunguna ni Director General Isidro Lapena, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martirez, Cavite. Umaasa si Lapena na hindi ito ang una sa kanyang pamumuno sa PDEA. (Jay-Ar Ortonero)
SIMULA PA LANG ‘TO: Pang higit P1 blyong halaga ng shabu ang sinunog ng mga awtoridad sa pangunguna ni Director General Isidro Lapena, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martirez, Cavite. Umaasa si Lapena na hindi ito ang una sa kanyang pamumuno sa PDEA. (Jay-Ar Ortonero)

Ng: Tapat News Team (TMT)

SIGURADONG libu-libong katao ang nailigtas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang wasakin nito ang P1.77 bilyong halaga ng shabu at iba pang ipinagbabawal na gamot.

Pinangunahan ni PDEA Director General Isidro Lapeña  ang pagwasak ng nasabing mga bawal na gamot sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) ng PDEA sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Ang winasak sa pamamagitan ng “thermal decomposition” ay ang 400,356.25 gramo ng iba’t ibang ebidensiya laban sa mga tulak ng shabu at adik tulad ng methamphetamine hydrochloride, or shabu, cocaine, ketamine, marijuana, ephedrine, pseudoephedrine, at expired na mga gamot, liquid shabu na may timbang na 66,250 ml.

 

 

Ang thermal decomposition ay proseso kung saan ang mga elemento ng droga at hinahati sa maliliit na element sa pamamagitan ng pagsunog sa mga ito, paliwanag ni Lapeña.

Ang mga sinunog ay 346,303.95 gramo ng shabu na ang halaga ay 1,662,258,960.00; liquid shabu na 66,250 ml. na P95,400,000.00 ang halaga,  3,095.30 gramo ng cocaine na ang halaga ay P11,143,080.00,  20,900.12 gramo ng marijuana na P1,045,006.00 ang halaga,  3.18 gramo ng ketamine na P15,900 ang halaga, 41.71 gramo ng ephedrine na P14,598.50 ang halaga, at 11.99 gramo ng  pseudoephedrine na P4,143.74 ang halaga.

Sa kabuuan, 1,769,881,688.24 lahat ang halaga ng winasak na droga.

Umaasa si Director General Lapeña na darami pa ito sa susunod na mga buwan dahil kaliwa’t kanang operasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan laban sa iligal na gamot.

You May Also Like