P-Noy, Matagumpay Nga ba sa Kanyang Anim na Taon na Panunungkulan?

Ilang buwan na lang at mayroon na tayong baong pangulo. Hindi natin alam pa sa ngayon kung sino ngunit sana ang mananaig sa halalan ay yaong karapat-dapat sa posisyon. Klaro na apat ang may tsansang manalo ayon sa iba’t-ibang mga serbey. Lahat naman ng mga kumakandidato bilang pangulo ay may mga kalakasan at mga kahinaan o kapintasan. Ngunit kailangan nating pagnilayang maigi kung sino ang ating pipiliin. Wika nga nila, “ang anim na taon ay mabilis para sa isang mabuting pangulo at matagal para sa isang masamang pangulo.” Nakataya sa susunod na anim na taon ang kinabukasan ng isandaang milyong Pilipino. Kaya kailangan nating tandaan na hindi natatapos sa pagboto ang ating obligasyon bilang mamamayan. Patuloy dapat tayong makisangkot sa mga isyu ng ating lipunan.

Bilang isang dalubguro, kailangan kong magbigay ng grado sa aking mga estudyante sa katapusan ng isang semester na naaayon sa kanilang class performance.

Matatapos na ang termino ni Pangulong Aquino. Dapat na rin siyang bigyan ng grado ng taumbayan. Pagsugpo sa katiwalian, paglaban sa kahirapan, pagsulong sa katahimikan at kaayusan at ang pangkalahatang pagbuti ng kalidad ng edukasyon – ito ang apat na pinakamahahalagang isyu para sa akin.

Ngunit marami pa rin ang nagsasamantala sa kaban ng bayan. Marami pa rin ang naghihirap at walang maayos na hanapbuhay. Marami pa rin ang nagiging biktima ng krimen at droga. At marami pa rin ang salat sa dekalidad na edukasyon. Ano kaya ang markang igagawad ninyo sa kanya? Ang halalang ito ang sasagot kung tunay na naging matuwid ang “Daang Matuwid” o sa kasawiang-palad tuluyan ito naging “Daang Satsat Lang,” “Daang Kadiliman,” o “Daang Pang-Dekada 70.”

Prof. Michael Trias – Ang

You May Also Like