Oplan ligtas kuwaresma, inilunsad sa mga expressway

 Inaasahang dadagsa ang mga motorista patungo sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.
Inaasahang dadagsa ang mga motorista patungo sa kani-kanilang probinsya para sa Semana Santa.

MAGKAKASAMANG inilunsad kamakailan ang Oplan Ligtas Kuwaresma project ngayong taon na tinawag na “Safe trip mo, sagot ko for Holy Week” upang alalayan ang mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) , Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Manila-Cavite Expressway.

Ani ni Raul Ignacio, VP for Construction and Engineering Department ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), isa sa mga tagapagtaguyod ng proyekto, na may 24/7 silang mga dagdag na mga tauhan sa kuwaresma na magbabantay at mag-roroving sa mga lansangan ng expressways para asistihin ang mga biyahero.

May mga nakaantabay din silang mga mekaniko para sa mga papalya ang sasakyan. May ilalagay na mga traffic information signs at may mga naitalagang medical stations na aalalay naman sa mga mahihilong mga motorista.

 

You May Also Like