Opisyal ng CBCP nababahala dahil sa online child sex ring

MANILA — Isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nababahala dahil sa pag-laganap ng internet child pornography sa bansa,matapos ang isang raid sa isang diumano’y cybersex den sa isang paaralan kamakailan.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Conegundo Garganta, kinakaila-ngang gawin ng pamahalaan ang lahat upang sugpuin ang child abuse at cybersex crime sa Pilipinas.

Hinikayat din ng pari ang Department of Education na bawiin ang permit ng Mountaintop Christian Academy kung napatunayang alam ng administrasyon ng nasabing paaralan ang modus operanding nagaganap sa loob ng eskwelahan.

“By all means DepEd (Department of Education) must revoke the permit to such school. The offense is a grave threat to the safety of minors,” ani Garganta.

Arestado naman sa isang raid ang siyam na kataong pinaghihinalaang may kinalaman sa cybersex operation sa nasabing paaralan.

Kinumpiska din ng National Bureau of Investigation ang 50 computer at mga external drives na naglalaman ng mga adult at child pornographic materials na pinaniniwalaang inuupload sa internet.

Nanawagan naman si Garganta sa DepEd na tiyaking hindi na mauulit ang ganitong pangyayari sa iba pang paaralan.

“Random checking of schools means skipping who might actually be on this. DepEd should have a comprehensive plan to address such issue. Parents and students must be vigilant too,” dagdag pa nito.[CN]

You May Also Like