Opisyal ng BIR, Patay sa Pananambang

 

TADTAD:  Makikitang sinisiyasat ng pulis ang Toyota Innova ni Jonas Amora, Regional Director ng Bureau of Internal Revenue ng Makati City, tadtad ng bala. (Denz Laguipo)
TADTAD: Makikitang sinisiyasat ng isang pulis ang Toyota Innova ni Jonas Amora, Regional Director ng Bureau of Internal Revenue ng Makati City, tadtad ng bala. (Denz Laguipo)

Ni: Denz Laguipo

 

TADTAD ng bala ang katawan ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na siyang ikinamatay nito ngayong umaga sa Quezon City.

Sa dami ng bala mula sa 9mm, nangangahulugang kailangang mamatay si BIR Makati City Regional Director Jonas Amora.

Sugatan naman ang kanyang tsuper na si Angelito Pineda.

Isinugod si Pineda ng mga tricycle driver sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 5:20 ng umaga nang tambangan ng dalawang kalalakihang nakasakay sa  motorsiklo ang puting Toyota Innova ni Amora habang binabaybay nito ang C5 Kalayaan Avenue.

Niratrat nang todo ng suspek ang sasakyan ni Amora na umabot sa mga katawan nina Amora at Pineda.

Pagkatapos ng pananambang, kumaripas ng takbo ang motorsiklo ng mga suspek.

Sa pag-iimbestiga ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD, mahigit P366,000 pera ang nakuha sa loob ng kotse at maraming basyo ng bala ng 9mm ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Tiniyak ni QCPD director, Senior Superintendent Guillermo Lorenzo Eleazar na iimbestigahan nila nang husto ang krimen upang matukoy ang mga suspek at utak ng pananambang.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like