OFVs na binura sa Voters List, makaboboto muli – COMELEC

Tinatayang mahigit kumulang sa 200,000 OFVs ang muling makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 13.
Tinatayang mahigit kumulang sa 200,000 OFVs ang muling makakaboto sa darating na halalan sa Mayo 13.

Makaraang tanggalin sa pinal na listahan ng mga botante, muli nang pinayagang bumoto ng Commission on Elections (Comelec) ang humigit kumulang na 200,000 Overseas Filipino Voter (OFV) sa darating na midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., naglabas na umano ang poll body ng resolusyon na nagbabalik ng karapatang bumoto sa 238,000 OFV na nauna nang nabigong makapagsumite ng kanilang manifest of intent to vote para sa nalalapit na halalan.

Napag-alaman naman na ang pagpapalabas ng resolusyon ng Comelec ay bunsod narin ng pakikipagdayalogo ng mga grupong OFVs kay Comelec Commissioner Grace Padaca kung saan hiniling ng mga ito na payagan silang muling makaboto matapos na matanggal sa voters list.

Dito na muling na-retain ang pangalan ng mga OFVs sa listahan ng Comelec kung saan kailangan lamang ng mga itong lumutan at bumoto sa mga itinakdang voting precints at schedule ng poll body sa kani-kanilang mga kinaroroonang bansa.
(PA)

You May Also Like