NUMERO 1 DRUG DEALER SA MANDAUE CITY, PATAY MATAPOS MAGPIYANSA

 

NAMATAY si Pablito Lobenares makaraang pagbabarilin ng dalawang kataong pinaniniwalaang upahang mamamatay-tao kahapon ng umaga sa Lungsod ng Mandaue.

Si Lobenares ay isa sa mga pangunahing drug lord sa Mandaue, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ulat, katatapos lamang magpiyansa ni Lobenares sa Mandaue City Hall of Justice upang makakuha ng pansamantalang kalayaan nang pagbabarilin siya ng dalawang kataong  magkahiwalay na nakasakay sa dalawang  motorsiklo.

Kaagad namatay si Lobenares sa loob ng multicab.

Matapos ilikida ang tudla, mabilis na tumakas ang mga mamamatay-tao.

Si Lobenares ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of drugs.

Ayon sa rekord, si Lobenares ay isa sa mga na-tokhang nitong 2016 kung saan nangakong hindi na babalik sa masamang trabaho, ngunit nakumpirmang patuloy pa rin sa iligal na trabaho nang madakip siya ng mga pulis nitong noong Enero 1.

Idiniin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang kanyang administrasyon sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ngunit, hindi matapos-tapos ang puna ng maraming Pilipino sa  pagsingit ng extrajudicial killings (EJKs) sa madugong kampanya laban sa iligal na droga.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like