NPA lider na may P5-M patong sa ulo, nahuli ng militar

KAHIT mayroong inisyal na pagkakasundo ang administrasyong Duterte at komunistang grupo para muling pag-uusap ng dalawang partido tungo sa pangmatagalang kapayapaan ng bansa, hindi nagdalawang isip ang mga otoridad  
sa pagdakip ng isang lider ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley.
 
Ang dinakip ay nakilalang si Eddie Genelsa na may bansag na “Lando.”
 
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), si Genelsa ay mayroong P5 milyon na patong sa ulo.
 
Siya ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng AFP at Philippine National Polce (PNP) sa Brgy. Bongabong sa  bayan ng Pantukan, Compostela Valley.
 
Dinakip ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 3 ng Nabunturan para sa kasong arson, murder, frustrated murder, at robbery, mga kasong walang kinalaman sa pagiging komunista o komander ng NPA.
 
Ayon kay Capt. Rhyan Batchar ng 10th Infantry Division (10 th ID) ng Philippine Army (PA), si Genelsa ay komander ng Pulang Bugani Company (PBC) 3 ng NPA ng Southern Mindanao Regional Committee.
 
Ani Batchar, ang nadakip ay responsible sa pamamaslang ng mga sibilyan at sundalo, nangwasak ng mga ari-arian, at pangongotong sa mga sibilyan at maraming negosyante.
 
Ang pagkakahuli kay Genelsa ay malaking palaisapan dahil ikinasa ito ng AFP at PNP gayong nasa gitna ng talakayan ang pamahalaan at komunistang grupo tungo sa usapang pangkapayapaan ng bansa.

 

Propellerads

You May Also Like