“No Work, No Pay” Bill, Maging Batas na Sana

Ni: Edward Mico Joseph D. Agustin

UMAASA ang ilang kongresista na makalusot na sa pagkakataong ito sa  Kongreso ang panukalang batas na “no work, no pay” para sa mga miyembro ng

Senado at Kamara del Representantes.

Ayon kay Kabayan party-list Harry Roque, panahon na upang magkaroon ng minimum ba panuntunan sa paggampan ng trabaho sa Kongreso bilang halal na mga mambabatas.

Ang panukalang bawasan ang sahod ng mga mambabatas tuwing absent ang mambabatas.

Ani Roque, nararapat lamang na pumasa na sa pagkakataong ito ang House Bill 412 o  “No Work No Pay Policy” Bill 412 na inihain ni Navotas Rep. Toby Tiangco.

 

 

Ang layunin ng panukalang batas ay parusahan ang mga mambabatas na absent sa Senado o Kamara.

Nangangahulugang kapag hindi pumasok o hindi nagpakita sa Kongreso, dapat bawas sweldo.

Ang ganitong konsepto ay matagal nang pinaiiral sa mga manggagawa.

“Panahon na rin na magkaroon tayo ng minimum standards. Kung talagang ‘di pumapasok ang isang kongresista, hindi dumadalo, dapat magkaroon ito ng impact sa kanyang sweldo,” paliwanag ni Roque.

Ayon naman kay Bataan Rep. Geraldine Roman, katanggap- tanggap ang naturang patakaran, sapagkat para lamang ito sa mga tamad pumasok at turuan ng leksiyon ang mga kongresistang ito.

“Tama ‘yun. Kami ay public servants at kailangan naming mag-perform. Part of performing well involves attending sessions here in Congress,” dugtong pa ni Roman.

Matatandaang ipinanukala ng nasabing panukalang batas sa nakalipas na Kongreso, ngunit hindi pumasa, sapagkat kontra ito sa interes at kagalingan ng mga mambabatas.

Sina Sarangani Rep. Manny Pacquiao, na ngayon ay senador at Negros Occidental Rep. Jules Ledesma naman ang itinuturing na pinaka-absenerong mga mambabatas noong 2014.

You May Also Like