NGO, Umaasang Hindi Pababayaan ang Malnutrisyon

UMAASA ang Save the Children na bibigyan ng pansin ng susunod na administrasyon ang malalang suliranin ng malnutrisyon.
 
Sa isinagawang press conference, idiniin ni Dr.   Dr. Amado Parawan, health and nutrition advisor ng Save the Children, na masyadong malala ang malnutrisyon ng mga batang 5-taong-gulang pababa.
 
Ang ibig sabihin ng malnutrisyon ay mabagal ang paglaki, mababa ang timbang, at hindi malusog ang bata.
 
Ang gamit na datos ng Save the Children ay ang galing sa  pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na nagsabing nasa 33.5% nitong 2015 mula 30.3% noong 2013 ang mga batang malnourished.
 
Ang ibig sabihin, 1 sa bawat 3 bata sa nabanggit na gulang ay malnourished.
 
Ipinakita rin sa pag-aaral na napabayaan ng administrasyong Aquino, partikular, ang Department of Health (DOH) na pinamumunuan ni Janet Garin, dahil halatang-halata na lumala ang nasabing suliranin.
 
Idiniin ni Parawan na
“The Philippines’ worsening state of chronic and acute malnutrition is now a serious concern.”
 
“When 1 in 3 Filipino children suffers from stunting, then we are faced with a weak and incapable labor force in the future,” patuloy ni Parawan.
 
Batay pa rin sa pag-aaral ng FNRI, ang mga biktima ng malnutrisyon ay galing sa mahihirap na pamilya, kaya posibleng ang malalang kahirapan at kagutuman ang pinag-ugatan ng malnutrisyon sa bansa.
 
Umaasa nang lubos ang Save the Children na ang susunod  na administrasyon na pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng anim na taon ay hindi makalilimutan ang malnutrisyon.
 
Michel Rooijackers, deputy country director ng Save the Children, na ang pagresolba sa malnutrisyon ay kailangan ang mahigpit na pagtulong ng  publiko at pribadong sektor.  (Tapat News Team)

You May Also Like