NFA: Sapat ang Bigas Pero Kailangan pa ring Mag-angkat

Ni: Boy Celario

 

DAMING BIGAS: Ibinida ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas, ngunit kailangan pa ring mag-angkat sa Thailand at Vietnam upang hindi kapusin ng bigas ang bansa.
DAMING BIGAS: Ibinida ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas, ngunit kailangan pa ring mag-angkat sa Thailand at Vietnam upang hindi kapusin ng bigas ang bansa.

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas hanggang matapos ang taon.

Ngunit, gustong makatiyak ng NFA na hindi mabibitin ang suplay, kaya nagpasya ang ahensiya na umangkat pa ng 250,000 metric tons mula sa Thailand at Vietnam.

Ipandadagdag ito sa sinasabing sapat na suplay ng bigas na ipinagmamalaki ng NFA.

Ayon sa NFA, aprubado sa pamunuan ng ahensiya ang pag-angkat na isasagawa sa pamamagitan ng pagbili ng gobyerno sa gobyerno ng bigas.

Ang aangkating bigas ay “well milled rice” na may halagang $424.85 kada metric ton.

Ang kontrata ay mas mababa ng $0.15 sa naitakdang pinagbasehang presyo na $425/MT.

Inilinaw ng NFA na ang  250,000 metric tons ay bahagi ng 500,000 metric tons na buffer stock ng pamahalaan na  ipampupuno sa kinapos na produksiyon ng bigas dahil sa epekto ng El Niño (tagtuyot) mula sa nakalipas na taon hanggang sa ikalawang kwarter ng taong kasalukuyan.

Ang pag-angkat ay kauna-unahang magaganap sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ng NFA na hindi mababawasan ang ani at kita ng mga magsasaka sa magaganap na pag-angkat dahil mananatili pa rin ang presyo nito sa merkado.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like