NATO, humingi ng tawad sa pagkapatay sa dalawang binatilyo

AFGHANISTAN—Humingi ng tawad ang pwersa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) noong Sabado para sa pagkakapatay sa dalawang binatilyong napagkamalang rebelde ang nitong nakaraang buwan.

Ipinaabot ni Gen. Joseph Dunford, ang commander ng International Security Assistance Force sa Afghanistan ang kanyang paghingi ng tawad at pakikiramay sa pamilya ng dalawang binatilyo.

Naganap ang pamamaril noong Pebrero 28 sa isang distrito malapit sa Uruzgan province sa may Timog Afghanistan.

You May Also Like