National consecration gaganapin sa June 8

MINARKAHAN na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Hunyo 8, 2013 bilang araw na nakatakdang gawin ang national consecration mg bansa sa Malinis na Puso ni Maria.

Sa ganap na 10 ng umaga, sabay-sabay na ihahabilin ng lahat ng kaparian at mga obispo ang bansa sa Malinis na Puso ni Maria sa lahat ng mga parokya, katedral, dambana at kapilya sa darating na Hunyo 8.

“Hinihikayat namin ang mga tao na magsagawa ng isang indibidwal na kilos ng paghahandog sa Diyos araw-araw, isang maigsing panalangin”, ani CBCP Secretary General Msgr. Joselito Asis.

“Sana magsimula ang “conversion” o pagbabago sa ating sarili, sunod naman sa buong bansa. Ito ay isa ring panawagan,” dagdag pa niya.

Layunin ng condecration na humingi ng biyaya ng pagbabalik-loob nga mga tao sa Diyos, biyaya para sa integridad at katarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa mga komunidad at sa buong mundo.

Ang nasabing pagtatalaga, ay bahagi ng Taon ng Pananampalataya, at parte ng siyam na taong nubena bilang paghahanda sa 2021, ang ika-500 taon ng pananampalatayang Kristyano sa bansa.

You May Also Like