National consecration gaganapin sa June 8

Bilang pagsuporta sa national consecration, may ilang grupong nagpapalaganap ng individual consecration tulad ng Confraternity of Mary Mediatrix of all Grace.
Bilang pagsuporta sa national consecration, may ilang grupong nagpapalaganap ng individual consecration tulad ng Confraternity of Mary Mediatrix of all Grace.

MINARKAHAN na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Hunyo 8, 2013 bilang araw na nakatakdang gawin ang national consecration mg bansa sa Malinis na Puso ni Maria.

Sa ganap na ika-10 ng umaga, sabay-sabay na ihahabilin ng lahat ng kaparian at mga obispo ang bansa sa Malinis na Puso ni Maria sa lahat ng mga parokya, katedral, dambana at kapilya sa darating na Hunyo 8.

“Hinihikayat namin ang mga tao na magsagawa ng indibidwal na kilos ng paghahandog sa Diyos araw-araw, isang maiksing panalangin”, ani CBCP Secretary General Msgr. Joselito Asis.

“Sana magsimula ang “conversion” o pagbabago sa ating sarili, sunod naman sa buong bansa. Ito ay isa ring panawagan,” dagdag pa ni Msgr. Asis.

Layunin ng consecration na humingi ng biyaya ng pagbabalik-loob ng mga tao sa Diyos, biyaya para sa integridad at katarungan, at pangmatagalang kapayapaan sa mga komunidad at sa buong mundo.

Ang nasabing pagtatalaga ay bahagi ng Taon ng Pananampalataya, at parte ng siyam na taong nubena bilang paghahanda sa 2021, ang ika-500 taong anibersaryo ng pananampalatayang Kristyano sa bansa.

You May Also Like