Napolcom, iimbestigahan ang 3 generals-cum-drug syndicates protectors

GAGAWIN ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang lahat upang tapusin sa loob ng isang buwan ang imbestigasyon laban sa tatlong limang heneral ng Philippine National Police (PNP) mula sa lima na idiniin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga protektor g sindikato ng droga.

Ang isasalang sa imbestigasyon ay sina Director Joel Pagdilao (sinibak na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Chief Supt. Edgardo Tinio (tinanggal na hepe ng Quezon City Police District (QCPD), at Chief Supt. Bernardo Diaz (sinibak na hepe ng PNP-Visayas).

Hindi na kasama sa imbestigasyon sina Deputy Director-General Marcelo Garbo at Chief Supt. Vicente Loot dahil kapwa retirado na ang dalawa.

Si Loot ay alkalde na ng bayan ng Daangbantayan sa Cebu.

 

 

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rogelio Casurao, isang buwan sa maksimum ang isasagawang imbestigasyon laban kina Pagdilao, Tinio, at Diaz.

Tapos, isang linggong kukumpletuhin ng komiteng mag-iimbestiga amg lahat ng ikumento, kabilang na ang mga ebidensiya at paliwanag na ihahain ng tatlong heneral, saad ni Casurao.

Limang araw naman ang ibinigay sa tatlo upang ihain ang lahat ng kanilang mga ebidensiya at paliwanag.

Sabi ni Casurao, ang imbestigasyon sa tatlo ay batay sa atas ni Interior and Local Government Sec. Ismael “Mike” Sueno na siya ring pinuno ng  NAPOLCOM.

Ayon kay Casurao, kung mayroong supisiyenteng ebidensiya na magkukumpirma sa akusasyon ni Duterte laban sa tatlo, tiyak na tuluyan silang masisibak sa PNP.

Ayon sa batas, ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na natanggal dahil sa kaso ay walang makukuhang benepisyo kahit singko.

Kamakalawa, idiniin ni Duterte na mayroon siyang hawak na ebidensiya na nagsasabing sina Pagdilao, Tinio, Diaz, Loot, at Garbo ay may kaugnayan sa mga sindikato ng droga.

Ayon sa pangulo, alkalde pa lamang siya ay madalas nang lumulutang ang mga pangalan ng limang heneral sa mga paniniktik na ginagawa ng intelligence community.

Sa magkakahiwalay na panayam ng media sa kanila, tahasang itinangging sangkot sila sa sindikato ng droga.

Ayon pa kina Pagdilao at Garbo, maling impormmasyon ang ipinarating ng intelligence community kay Duterte.

Anila, papatunayan nila sa NAPOLCOM, sa pamamagitan ng paghahain ng mga dokumentong ipinasa na nila sa pambansang himpilan ng PNP  sa Camp Crame, na inosente sila sa krimeng ikinanal sa kanila.

Imang ataw lamang ang nakalaan sa limang heneral upang ipagtanggol ang kani-kanilang mga sarili, dagdag ni Casurao.   (Tapat News Team)

You May Also Like