Nangunguna pa rin si Duterte, ayon sa Pulse Asia

 

RODRIGO ROA DUTERTE
RODRIGO ROA DUTERTE

Ni: Marites Badilla

 

BINIGYAN katwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy kawastuhan ng pagpaslang sa mga drug dealer sa pamamagitan ng paghahambing nito sa pagpapapaslang ni Adolf Hitler ng Aleman sa mga Hudyo.

Ngunit nauwi ito sa matinding kontrobersya, kaya humingi ng tawad si Duterte sa pamayanan ng mga Hudyo.

Patindi nang patindi ang pamamaslang sa mga tulak ng iligal na droga na lahat ay galing sa mahihirap na mga pamilya.

Pero, sa kabila nito ay humingi si Duterte ng karagdagang anim na buwan sa pagpuksa sa iligal na droga dahil nakita niyang napakalala nito na  lampas sa kanyang inaasahan.

Ganito ang sitwasyon noong Setyembre 25 hanggang Oktubre 1 nang magsagawa ng sarbey ang Pulse Asia na ang resulta ay si Duterte pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa tiwala ng publiko sa mga opisyal ng pamahalaan.

Sabi ng Pulse Asia, 86% ang marka ni Duterte.

MA. LEONOR ROBREDO
MA. LEONOR ROBREDO

Ngunit, bumaba ito ng limang puntos mula sa 91% sa sarbey na inilunsad noong Hulyo.

Sa pinakabagong sarbey, tatlong porsyento lamang ang walang tiwala sa Pangulo.

Ang natirang 11 porsyentong respondents ay hindi nagbigay ng marka.

Si Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo ay umangat sa 65% mula sa 61% ang tiwala ng publiko.

Ikatlo si Senate President Aquilino Pimentel III sa iskor na 55 porsyento.

Nakakuha naman ng

44% si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, samantalang 41% si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like