Nakikialam sila sa kanyang paggamit ng pills

Dear Ate Ami,

Nakakita ako ng isang issue ng Tapat somewhere at nabasa ko ang column niyo. I think you’re very open-minded and dish out sensible advice. Kaya naisip kong humingi ng advice niyo tungkol sa isang concern ko. I’m on the pill and I am tired of my family getting on my case about it. Hindi ko naman sila pinapakialaman sa mga ginagawa nila, kaya sa tingin ko dapat ganoon rin sila sa akin. May respeto pa naman ako sa mommy at mga tita ko kaya kahit nakukulitan ako sa mga sinasabi nila, pinababayaan ko na lang. Pero pano ko ba sasabihin sa kanila in a nice way na hindi ako naniniwala sa mga makalumang values nila at sana huwag na nila akong pakialaman kasi what I do is my choice. Birth control is no big deal. Besides, this is between me and my husband, and okey rin naman sa kanya. We have a son and a daughter and gusto naming mag-provide ng good example sa kanila lalo na sa pagiging responsable. So sana matulungan niyo ko tungkol sa kung ano pwede kong sabihin sa mom at tita ko about this. I’m pushing 30, so obviously I can make my own decisions. Thanks.
– Rose

Dear Rose,
Sa tono mo, hindi ka nanghihingi ng advice; naghahanap ka ng kakampi, ng kukunsinti sa iyo. First, gusto ko munang kampihan ang pamilya mong may mga “makalumang values”. In the first place, why did you have to let them know that you’re on the pill eh ayaw mo palang mapakialaman ka? It’s your choice pala, between your husband and yourself, so why did you let them in on this?

Second, now that they know, may katuwiran silang “makialam” sa iyo dahil concerned sila sa health mo. Masama ba iyon? You didn’t tell me why they’re against the pill, so I can only comment on your input. “Makaluma” man sila, at least informed sila siguro about the damage the pill can do: nakaka-cancer, stroke, thrombosis, blood clots, at kung anu-ano pang kadiring mga sakit na maaari ding maka-baog sa iyo pagdating ng singilan blues. Siyempre, kung magka-ovarian cysts ka or cancer, at tanggalin ang matres mo, eh ‘di bye-bye motherhood. O tanggalin ang dede mo dahil sa breast cancer, eh …baka your husband will start looking for mountainous regions elsewhere. Baka lang naman, hindi ko sinasabing ‘yon ang magiging kapalaran mo, but studies have shown beyond doubt na talagang masama, grabe, major-major masama sa kalusugan ng kababaihan ‘yang pills (and by the way, as well as other artificial contraceptives). So think that over—they are concerned about your health, hindi sila naiinggit sa safe and satisfying sex life mo dahil mga lantang talulot na sila, at saka hindi nga safe ‘yon para sa kanila eh.

Now, ‘yung inis mo sa kakulitan nila. At your age, I understand, hindi mo pa mastered ang sarili mo, and you’re probably feeling on top of the world now dahil independent ka, kaya for you, buwisit lahat ng hindi agree sa iyo, ano? Ok lang, lilipas din ‘yang tigas ng ulo mo, lalo na ‘pag naramdaman mo na ang ill effects ng pills. Meanwhile, tuturuan kitang “magsinungaling” para hindi ka na makasakit ng damdamin ng iba. There’s a wise saying, “If you cannot be completely honest, be discreet.” Next time, spare your old ladies’ feelings—kapag kinulit ka na naman nila, just tell them with a smile: “Don’t worry, I’m off the pill na po.” It’s the “lesser evil” para mapanatag na lang ang loob nila, dahil mas malala kung magsusuwagan kayo, walang kahihinatnan yon.

– Ate Ami

ate ami

You May Also Like