Nakaaalarmang Kalagayan

 

SA ilang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga sangkot sa iligal na droga ay mayroong nahuhuling kabataan.

Kundi tulak ng shabu, adik sa bawal na gamot.

Mayroon pa ngang operasyon ang PDEA sa Maynila kung saan isang 11-buwang sanggol ang dala-dala ng nanay habang  humihithit ng shabu.

Nitong Miyerkules ng umaga, isang ina ang nahuli naman ng mga pulis sa Lungsod ng Caloocan na nagsashabu habang nasa harapan ng mga anak niyang 2-taong-gulang, 1-taong-gulang, at 2-linggong-gulang.

Grabe ang mga pangyayaring ito.

Nangangahulugang labis na nakadidismaya ang lipunan natin pagdating sa iligal na droga.

Ang mga ito ay mahihirap na nalulong sa masamang bisyo.

Mga kapos sa buhay, ngunit nagagawa pang bumili ng shabu na wala namang maibibigay na magandang buhay sa kanila.

Kailan kaya matitigil ito?

Tiyak kami na kailangang magkaroon ng komprehensibong plano ang administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Ang pananakot, paninindak, at pamamaslang ay hindi solusyon – hindi kailanman mapagpasyang solusyon.

Maraming aspeto na dapat solusyonan ang pamahalaan upang matanggal ang maraming Pilipino sa pagkakalugmok sa iligal na droga.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like