NAIA Daanan ng Droga

 

 

Ni: Marites Badilla

 

POSIBLENG daanan ng mga ipinagbabawal na gamot ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang nakumpiska ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang P3 Milyong halaga ng ecstacy.

Inanunsiyo ni BOC Commission Nick Faeldon na nakumpiska ng mga tauhan ng BOC ang 2,000 tableta ng ecstasy sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ng NAIA.

Galing ang mga ecstacy sa Legion Ltd. ng Germany.

Ani Faeldon, ang mga tableta ay ideneklarang bitamina, ngunit matapos ang masusing pagsusuri ay ecstasy pala ang 2,000 tableta.

Ang ecstasy ay itinuturing na party drugs kung saan ang gumagamit nito ay nagkakaroon ng  kakaibang sigla na para bang sumasayaw sa himpapawid.

Ginagamit ang ecstasy sa mga party, concert, o kaya sa mga mamahaling night club tulad ng makikita sa Taguig City, Makati City, at Pasay City.

Itinuturing ang ecstasy na isang bawal na gamot alinsunod sa Republic Act No. 9165.

Ang nakumpiskang ecstasy ay nakapangalan sa isang Darwin S. Bernardino ng Novaliches Quezon City.

Inaalam na ng BOC kung sino si Bernardino.

 

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like