Mubarak et al, muling lilitisin sa Abril

EGYPT—Isang korte sa Egypt ang nagtakda ng bagong paglilitis sa dati nitong lider na si Hosni Mubarak, ang kanyang mga anak at mga opisyal noong panunungkulan niya, na isagawa siyam na araw bago ang eleksiyon ng parliamento sa susunod na buwan.

Ayon kay Samir Abu el Maati, ang pinuno ng Appeals Court, nakatakda ang bagong paglilitis sa Abril 13.

Napatalsik sa pwesto si Mubarak matapos na mabilanggo sa kasong pag-utos sa pagpatay sa mga demonstrador, samantalang ang mga anak at ibang opisyal sa kanyang adminstrasyon ay humaharap sa kasong katiwalian at paggamit ng pampublikong pondo.

You May Also Like