Misuari, Sangkot sa Multi-Milyong Korapsyon

 

NUR MISUARI
NUR MISUARI

Ni: Denz Laguipo

 

PINAKAKASUHAN ng Office of the Ombudsman si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari ng korapsyon sa Sandiganbayan dahil sa pagkakasangkot nito sa  maanomalyang proyekto ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) noong siya pa ang gobernador nito mahigit 10 taon na ang nakalilipas.

Ayon sa Ombudsman, napakalakas ng kanilang ebidensya laban kay Misuari at mga opisyal ng Department of Education (DepEd) sa ARMM, state auditor, at mga pinuno ng kumpanyang nagsusuplay ng educational materials na ikinasa ang pagbili ng mga libro at iba pang gamit sa pag-aaral ng mga bata na ang halaga ay P137.5 Milyon sa pagitan ng 2000 at 2005 nang walang naganap na “public bidding.”

Bukod kay Misuari, ang sangkot sa kasong korapsyon ay sina dating opisyal ng DepEd ARMM Leovigilda Cinches; Sittie Aisa Usman, supply officer; Alladin Usi, accountant; Pangalian Maniri, chief accountant; at Bai Sherilyn Mustapha, education program specialist, at COA auditor Nader Macagaan.

Kasama rin sina Lolita Sambeli ng White Orchids, Cristeta Ramirez ng CPR Publishing, Mario Barria ng Esteem Enterprises, at Ma. Lourdes Mendoza ng Dunong Publishing.

Ang masama pa, walang kapasidad ang mga kumpanyang lumahok na magsuplay ng mga nasabing aklat at babagahin ng mga bata, ayon pa sa Office of the Ombudsman.

Wala din daw “documentary proof” sa pagdeliver ng mga aklat at babasahin na ipinakita sa  Commission on Audit (COA).

“From the record, it is established that the procurement was fraudulent. The requirement of public bidding was disregarded despite the millions of public funds involved. Likewise, all the supporting documents were falsified,” tugon ng Office of the Ombdusman.

Kasama sa mga inaprubahan ni Misuari bilang gobernador ng ARMM ay ang mga sumusunod:

 

– P37.959 Milyong iba’t ibang materyales sap pag-aaral mula sa  White Orchids Printing and Publishing House;

– P46.261 Milyon na Multi-Media Information Technology Package mula sa CPR Publishing House;

– P21.999 Milyon na mga librong gabay ng mga guro at mga aklat-pambata mula sa Dunong Publishing;

– P19.260 Milyong information technology package para sa mga mag-aaral ng elementarya at high school mula sa MJB Learning Tools.

Ayon pa rin sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, aabot sa P12.030 Milyon ang ibinayad sa 6,000 kopya ng “Demokrasyang Pambarangay,” 22,000 kopya ng “Malakas ang Batang Pilipino,” at 5,000 kopya ng librong “Fight Drug Dependency,” at 8,500 kopya ng makulay na mapa ng Pilipinas sa Esteem Enterprise.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like