Menor de edad patay nang ilikida ang abogado ni Espinosa Jr.

MAGKAANO-ANO ANG DALAWA?: Malaking palaisipan kung bakit kasama ng abogado ni Ronald "Kerwin" Espinosa Jr. si Atty. Rogelio Bato ang 15-taong-gulang na si Angelika Bonito nang magkasama ang dalawa na mamatay nang tambangan si Atty. Bato habang sila ay nakasakay sa sasakyan ng abogado patungo sa mall sa Leyte. (ambag na litrato)
MAGKAANO-ANO ANG DALAWA?: Malaking palaisipan kung bakit kasama ng abogado ni Ronald “Kerwin” Espinosa Jr. si Atty. Rogelio Bato ang 15-taong-gulang na si Angelika Bonito nang magkasama ang dalawa na mamatay nang tambangan si Atty. Bato habang sila ay nakasakay sa sasakyan ng abogado patungo sa mall sa Leyte. (ambag na litrato)

Ni: Marites Toledo

 
NAMATAY nitong Martes ang abogado ng nagtatagong drug lord ng Eastern Visayas Region na si Ronald “Kerwin” Espinosa Jr.
 
Ang masama, kasabay na namatay ang isang babaeng mnor de edad.
 
Ang 48-taong-gulang na si Atty. Rogelio Bato Jr. ay namatay dahil sa rami ng tama ng bala sa katawan.
 
Patay din ang 15-taong-gulang na si Angelika Bonita, dahil marami ring tama ng bala sa katawan.
 
Iniimestigahan na ito ng Leyte – Philippine National Police (PNP).
  
Sina Bato at Bonita ay namatay habang sila ay nasa loob ng minamanehong maroon Toyota pick-up (YHH 461) ni Bato.
 
BATA PA DRUG LORD NA: Hanggang ngayon ay nagtatago itong si 24-taong-gulang na si Ronald "Kerwin" Espinosa Jr. habang walang humpay siyang hinahanting ng mga pulis. Si Ronald Jr., anak ni Abuera Leyte Mayor Ronald Espinosa, ay tukoy ng Philippine National Police (PNP) na drug lord kung saan ang operasyon ay sa Eastern Visayas.
BATA PA DRUG LORD NA: Hanggang ngayon ay nagtatago itong si 24-taong-gulang na si Ronald “Kerwin” Espinosa Jr. habang walang humpay siyang hinahanting ng mga pulis. Si Ronald Jr., anak ni Abuera Leyte Mayor Ronald Espinosa, ay tukoy ng Philippine National Police (PNP) na drug lord kung saan ang operasyon ay sa Eastern Visayas.
Batay sa ulat na ipinarating sa Kampo Crame sa Quezon City, bandang 2:30 ng hapon nangyari ang pananambang kay Bato kung saan nadamay si Bonita.
 
Ayon sa ulat, nasa Brgy. Lumbang II ang dalawa habang patungo sa Robinsons Mall.  
 
Nakasaad din sa nasabing ulat, hindi napansin ni Bato na mayroon pa lang sumusunod na sasakyan at motorsiklo sa kanila, na kung saan doon pala nakasakay ang mga mamamatay-tao.
 
Ayon sa PNP ng Leyte, iniimbestigahan nila ang kabuuang pangyayari, kabilang ang pagkakadamay ng minor de edad.
 
Ang malaking tanong kasi, kahit ang Tapat News ay siya ring katanungan, ay bakit magkasama sina Bato at Bonita gayong residente ng V & G Subdivision si Atty. Bato, samantalang si Bonita ay naninirahan sa Barangay 75.
 
Si Bonita ay high school student lang, ayon sa ulat.

You May Also Like