Minahan, Ipinatigil ng DENR ang pagmimina ng HMC

 

 

Ni: Marites Badilla

HINDI nagdalawang isip si Environment and Natural Resources Secretary Regina Paz Lopez na patigilin na  ang Hinatuan Mining Corp. (HMC) sa paglipat ng dumi ng mina mula sa Manicani Island sa Guiuan, Eastern Samar patungong Tsina  upang matigil na ang pagkawasak ng kapaligiran bunga ng labis na pagbubungkal ng lupa dahil sa pagkuha ng mina.

Ang HMC ay affiliate ng Nickel Asia Corp. (NAC).

Ang isla ng Manicani ay bahagi ng  Guiuan Bay Protected Landscape at Seascape ayon sa Presidential Proclamation No. 469.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), ang pagmiminang nagaganap sa Manicani ay nakakasira sa kapaligiran at kalikasan.

Perwisyo din ito sa kalusugan ng mga residente, banggit ng MGB.

Kaya, nagpasya si Lopez na ipatigil ang ginagawa ng HMC na paglilipat ng nickle mula sa Manicani patungo sa ibang bansa.

Pati ang tubig sa paligid ay nalalason dahil napupunta rito ang mineral ng HMC tuwing umuulan, o bumabagyo sa nabanggit na isla.

Sabi ni Lopez, DENR “audit shows that they are taking too much soil, which goes to China. We are suspending the retrieving of the stockpiles, to address the ecological balance.”

Umaasa naman ang mga organisasyong tutol sa iligal na pagmimina na sunud-sunod na ipahihinto ni Lopez ang mga pagmiminang nakasisira sa kapaligitan, kalikasan, at kalusugan ng mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

You May Also Like