MGA PILIPINO, NAGSAWA NA SA ‘ANTI-DRUG WAR’ NI DUTERTE

 

125 wage increaseNi: Roy Bersales

 

NOONG Hulyo, napakaraming Pilipino ang gustong-gusto ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa krimen, lalo na sa iligal na droga.

Ngunit, sa sarbey na isinagawa ng Pulse Asia mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1 ay nasa 31% na lang ang kumbinsidong nararapat na unang adyenda ng administrasyong Duterte ang paglaban sa krimen mula 52%.

Sa eksakto ay nabawasan ng 21%, saad ng Pulse Asia.

Ang pangunahing gusto ng 46% ng mamamayang Pilipino na dapat unang atupagin ni Duterte ay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa  at pagkakaroon ng trabaho para sa milyun-milyong Pilipino na walang hanap-buhay sa kasalukuyan.

Noong Hulyo, 40 porsyento lang ang ganito ang hangad.

Ipinapakita ng sarbey na hindi naman tuluyang umayaw ang mayorya ng mga PiIipino hinggil sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa kriminaIidad, ngunit idiniin ng parehong pagkonsulta sa mamamayan na higit na mahalaga sa kanila ngayon ang dagdag na sahod at trababo.

Matatandaang minsang binanggit ni Duterte na gusto niyang  maging maganda ang buhay ng lahat ng manggagawa sa bansa, lalo na iyong mga nasa lalawigan.

Ngunit, mukhang malabong mangyari ito, sapagkat tahasang tutol ang National Economic Development Authority (NEDA) sa mungkahing P125 umento sa sahod ng mga manggagawa araw-araw sa buong bansa.

Sinimulan na ng 17 Regional Wage and Productivity Boards (RWPBs) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtalakay at pag-aaral sa nasabing mungkahing pagtaas na P125, ngunit inatras na ni DOLE Secretary Sylvestre Bello III makaraang kumbinsihin siya ni NEDA director general Ernesto Pernia na masisira  ang ekonomiya, tataas ang presyo ng mga bilihin, at hindi kakayanin ng mga kapitalista kapag itinuloy ang nasabing pagtaas.

Hindi nahirapan si Pernia na kumbinsihin si Bello, sapagkat noong una pa man ay naniniwala siyang hindi kakayanin ng mga kapitalista ang nasabing halaga.

Diin pa nga ni Bello sa media na “sampung piso nga lamang na pagtaas sa sweldo ay mahihirapan na ang mga negosyante.”

Kamakailan, idiniin ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW), na dapat sinusunod ng mga kapitalista ang binabaggit sa batas-paggagawa na “family living wage” ang dapat na sahod ng mga manggagawa.

Ibig sabihin, suweldong makabubuhay ng pamilya, tugon ni Matula, na bukod sa pagiging lider-manggagawa ay isa ring abogado ng mga manggagawa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like