Mga obispo tutol sa Cha-Cha

congress

MANILA — Nagpahiwatig ng matinding pagtutol ang ilang mga obsipo ng Simbahang Katolika sa planong pag-amyenda ng Saligang Batas matapos si-mulan kamakailan ang diskusyon sa Belmonte Resolution No. 1 na naglalayong baguhin ang i-lang probisyon ng Konstitusyon.

Nagpahayag ng pangamba si Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na kung isusulong ang charter change, maaaring maging anti-life ang 1987 Constitution.
Dagdag pa ng obispo, “Banta ang charter change sa pagiging pro-life ng Saligang Batas kung saan pinapahalagahan ang buhay ng sanggol sa sinapupunan ng ina.”

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang taongbayan na ma-ging mapagmatyag sa pilit na pagsulong ng gobyerno sa charter change na sinasabing para lamang sa “economic reforms.”

Naninindigan si Bishop Bastes na hindi dapat ma-bigyan ng puwang ang pagbabago sa Saliagang Batas dahil maraming magagandang probisyon ang dapat panatilihin at maaaring maipatupad kung mayroong political will.
Nangangamba si Bishop Bastes na papalitan ng mga mambabatas na pabor sa RH Law ang mga pro-life provision ng 1987 Constitution.

“Better no ChaCha, it is not needed. There are many good points of the 1987 constitution, it’s [a] pro-life stance. They might eliminate that!,” dagdag pa nito.

Tulad ng Simbahan, itinutu-ring ng Konstitusyon na sagrado at banal ang buhay na dapat pangalagaan ng estado taliwas sa nilalaman ng RH Law na pa-tuloy na pinagdedebatihan ang legalidad sa Korte Suprema.

Samantala, bukod sa isyu ng term extension, tutol ang Promotion of Church People’s Response sa panukalang charter change, partikular sa pagbabago sa economic provisions ng Saligang Batas.

Naniniwala si PCPR secretary general Nardy Sabino na ibebenta ng gobyerno sa mga dayuhan ang likas na yaman at mga pag-aari ng Pilipinas.

Hindi rin sang-ayon sa charter change sina Basilan Bishop Martin Jumoad at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Natatakot si Bishop Jumoad at Archbishop Cruz na darating ang panahon na wala ng pag-aaring matitira sa mga Pilipino at magiging squatters na lamang sa sari-ling bayan kapag natuloy na amyendahan ang mga economic provision ng Saligang Batas na nagpapahintulot sa mga dayuhan na bumili ng lupain, mga negosyo at istraktura sa bansa. [Radio Veritas]

You May Also Like