Mga obispo kinundena ang malawakang katiwalian sa politika

Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa isang pastoral letter kamakailan ang pulitika sa bansa at tinawag itong “pinakamalaking balakid sa pag-unlad ng ating bansa.”

“Ang mga kasalukuyang pangyayari hinggil sa katiwalian sa pork barrel na kung saan ang mga nasa kapangyarihan ay tila ayaw pakawalan ang mga pondo kahit pa laganap ang maling paggamit nito dahil na rin sa political patronage,” mariing pahayag ng samahan ng mga obispo na pinirmahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bagong talagang pangulo ng CBCP.

Tinututulan din ng mga obispo ng laganap na pagnanakaw sa kaban ng bayan at katiwalian sa gobyerno na siya ring pangunahing dahilan ng kahirapan na laganap sa bansa.

“Malinaw na ngayon na ng ating mga kababayan ay mahirap dahil sa ating mga pulitiko na inilugmok sila dahil sa kanilang kagahamanan sa pera at kapangyarihan,” dagdag nito.

Dagdag pa ng pahayag, kahit pa may nauulat na pag-angat ng ekonomiya, nananatili naman ang kalidad ng buhay at kita ng mahihirap na sektor sa mga nakalipas na taon. Nanatiling taliwas ang paggamit ng kayamanan ng ating bansa.
Itinukoy din ng CBCP ang patungkol sa diumano’y pagmaniubra ng pondo ng publiko sa mga kahina-hinalang non-govenrmental organization (NGO), at tahasang sinabing “pinalalawig nito ang kahirapan at ang agwat ng mga mayaman sa mahirap.”

Pulitika bilang ‘proposisyon’

Pinuna din ng CBCP na ang paglilingkod sa bayan ay naging isang negosyo kung saan ang interes ng pera at kapangyarihan ay nangingibabaw at nakaugat sa kulturang Pilipino.

“Ang pagkagahaman sa kapangyarihan ay kakambal ng kasakiman sa salapi. Ang mga may pera ay madaling nakakaroon ng kapangyarihan. Pag nasa puwesto na sila madali na nila mababantayan at mapaparami ang kanilang mga ari-arian. At sa Pilipinas, ang maupo sa gobyerno ay isang mabisang at siguardong paraan sa marangyang buhay,” dagdag ng statement.
Sa pagkabulag sa pera at kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan, ayon pa ng CBCP, naisasantabi ang katotohanan at ang kabutihan ng nakararami alang-alang lamang sa makasariling hangarin ng iilang indibidual. Ang ganitong sitwasyon ang nagpapalugmok lalo sa mga Pilipino sa kahirapan.

“At ang unang biktima ng kagahaman sa pera at kapangyarihan ay ang Katotohanan sapagkat kinakailangan magsinungaling at mandaya sa manatili sa kapangyarihan at mapanghawakan ang kanilang kayamanan. Kaya sa bandang huli ang Katotohanan ay naisasantabi at naisasakripisyo,” paliwanag ng nasabing pastoral letter.

[Jennifer Orillaza]

You May Also Like