Mga natural na deodorizer

ulingKung amoy sigarilyo ang kwarto, o umaalingasaw ang amoy ng bagoong sa buong bahay, may natural deodorizer na maaaring gamitin. Pwede namang mag-spray na lang ng aerosol air fresheners, pero iba na ang natural:

ULING
Maglagay ng dalawa o tatlong piraso sa platito o takip ng garapon at iwanan sa kuwarto. Ma-a-absorb nito ang mabahong amoy makaraan ang ilang oras.

SUKA
Kahit sukang paumbong o ano mang uri ng suka ang mayroon sa kusina, maglagay ng kaunti sa isang tasa at iwanan sa kwartong nangangamoy. Maya-maya ay wala na ang amoy na nakagagambala sa ‘yo.

BAKING SODA
Kung nangangamoy naman ang carpet o kaya tela ng sofa, lagyan ito ng baking soda at iwanan ng mga kalahating oras hanggang isang oras. Matapos nito ay i-vacuum para mawala ang baking soda. Kung wala namang vacuum cleaner na magagamit ay pagpagin mo na lang ng maigi ang carpet o sofa.

You May Also Like