Mga nakagugulat na pangyayari

meloNoong Miyerkules ng hapon, mga ganap na ika-lima, tumigil na ang traffic sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue sa panulukan ng F. B. Harisson, matapos may maiwanang back pack sa tabi ng isang bus. Tumagal ng hanggang ika-siyam ng gabi bago nabuksan ang mga lansangan sa trapiko.

Gumamit ng aso, robot at mga pulis na dalubhasa sa ligtas na paglilipat at paglilikas ng mga bomba ang kinauukulan. Humaba naman ang traffic sa mga lansangan at umabot na ng hanggang Cubao sa southbound lane.

Tanging mga pulis ang naririnig na nakakapanayam ng mga taga-media, mapa-telebisyon o radyo. Ni walang narinig ni isang kataga kung nasaan ang Kgg. Antonio Calixto ng Pasay City.

Noon namang Huwebes ng gabi, buhol din ang traffic sa Metro Manila dahilan sa malakas na buhos ng ulan. May kasabay pa itong pagbugso ng hangin. Subalit nakita ng madla si MMDA Chairman Francis Tolentino na mainit na sumisigaw sa loob ng Mall of Asia Arena, samantalang nagtutunggali ang Houston Rockets at Indiana Pacers. Wala namang masama na makita si Chairman Tolentino habang nanonood ng basketball. Naniniwala naman akong may mga alter ego si Chairman Tolentino na inakala niyang maasahan subalit hindi pala. Huwag naman sanang maulit ang insidenteng ito sapagkat wala man lang makapagturo kung saan maaaring dumaan ang mga motorista.

Mas kontrobersyal pa ang isang matronix na nakita sa loob ng isang casino na nasa harap ng slot machines.
Depensa ang Madam, hindi raw po casino iyong kanyang kinalalagyan. Hindi naman siguro Timezone sa loob ng SM North ang kanyang pinaglalaruan. Mukhang naaliw lang siya sa gumagalaw ng mga kulay at mga larawan ng candy bar, dollar sign, atbp.
Isa pa ring nakagugulat na pangyayari ang naging sagupaan ng mga Moron National Liberation Front (MNLF) at mga kawal ng pamahalaan. Nakalulungkot ang kinasasadlakan ng mga evacuees, sapagkat matapos masunugan, binaha naman sila sa kanilang evacuation center.

Minsan na namang napatunayan na sa bawat kaguluhan, tanging ang matatanda at mga kabataan ang pinakananganganib na mapahamak. Sila ang walang laban sa kaguluhan at sa kakulangan ng mga pasilidad.
Huwag na muna nating talakayin ang PDAF at DAP sapagkat ang ating espasyo’y aandap-andap na — kung baga’y abangan ang susunod na kabanata.

You May Also Like