Mga magulang, kayang ibasura ang sex ed

AYON sa isang Amerikanong chastity speaker na bumisita kamakailan sa bansa, kung may sektor na may kapangyarihang ibasura ang sex education sa mga paaralan, ito ay ang mga magulang.

“Kailangan makakuha ng kopya ng kurikulum ang mga magulang. Kailangan nilang basahin ito simula hanggang dulo at ikalat ang tungkol sa itinuturo…Kailangan nilang ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon,” ani Jason Evert sa isang press conference sa University of Asia and the Pacific.

Nagbubulag-bulagang magulang

Ayon kay Evert, kung nais ng Pilipinas na ‘di matulad sa U.S., kinakailangang paigtingin pa ng mga magulang ang pakikilahok sa desisyon ng pamahalaan at mga paaralan.

Isang dahilan kung bakit matumal ang pagtugon ng mga magulang sa isyu ng sex ed, ayon kay Evert, ay dahil hindi nila alam kung ano ang totoong itinuturo sa kanilang mga anak.

“Maraming mga magulang na nagbubulag-bulagan. Hindi sila kumukuha ng kopya ng kurikulum; hindi nila binabasa. Iilang mga magulang lamang ang nakaaalam na basura ang itinuturo sa mga bata,” paliwanag ni Evert sa wikang Ingles.

Kuwento pa ni Evert na dahil sa tindi ng reaksyon ng ilang mga grupo ng mga magulang sa U.S., nag desisyon ang ilang mga paaralan na lubusang tanggalin na lamang ang sex ed sa kurikulum upang hindi na lumala ang isyu.

Kasama ng asawa niyang si Crystalina, umiikot si Jason Evert sa mga paaralan upang ihatid ang mesahe ng seksuwalidad na galing sa Diyos.  [photo credit: Dominic Barrios]
Kasama ng asawa niyang si Crystalina, umiikot si Jason Evert sa mga paaralan upang ihatid ang mesahe ng seksuwalidad na galing sa Diyos. [photo credit: Dominic Barrios]
‘Comprehensive sex ed’

Iba-iba ang uri ng sex ed sa bawat bansa. Sa pamamagitan ng mga malinaw na larawan sa libro, halimbawa, tinuturuan ang mga batang 6 o 5 taong gulang sa U.K. ang tungkol sa masturbesyon o pagsasalsal.

Sa Canada naman, ang mga babasahin ng mga estudyante patungkol sa pangilin o “abstinence” ay isang artikulo tungkol sa Bill Clinton-Monica Lewinsky sex scandal kung saan dinedetalye ang pag-oral sex nila.

Ito ay hindi bago at ayon kay Evert, maaaring asahan ng mga Pinoy na mapaglalang ang tinatawag na ‘comprehensive sex education’ na inihahain sa mga paaralan. [NED]

You May Also Like