Mga kontraseptibo binulgar ng kilalang doktor

GUBAT, Sorsogon – Ibinunyag ng isang kilalang obstetrisyan at ginekologista ang mga kahila-hilakbot na epekto ng artipisyal na mga kontraseptibo sa isang lektyur na inorganisa ng Augustinian community noong Marso 22 sa Our Lady of Peñafrancia Chapel, barangay Tiris.

Ayon kay Dr. Eleanor de Borja-Palabyab, MD, pangulo ng Doctors for Life Philippines (DFLph), maraming mga nakatagong masasamang epekto ang mga kontraseptibo sa katawan ng mga babae.

Idiniin ni de Borja-Palabyab na ang natural na kakayahan ng katawan ng babae na magdalang-tao ay hindi “isang sakit” at isang “normal” na kondisyon. Ang lahat na likas sa tao ay hindi nangangailangan ng gamot, kung hindi, magkakaroon ng kakaibang reaksyon ang katawan dito.

Dagdag pa ng doktor, ang paggamit ng artipisyal na kontraseptibo ay parang baliktad na pagpihit sa mga kamay ng isang orasan.

Napabalita na ang nakamamatay na epekto ng mga artificial contraceptives tulad ng kanser sa suso, serviks, at atay, ayon sa World Health Organization (WHO).

Ang mga kababaihang umiinon ng pildoras nang apat na sunud-sunod na taon ay may 50 porsiyentong mas mataas na probabilidad na magkaroon ng kanser sa suso, ani de Borja – Palabyab.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng kanser sa suso sa Asya dahil sa mga kontraseptibo na ipinapalaganap ng industriya at ng pamahalaan sa pamamagitan ng media.

Paliwanag pa ni De Borja-Palabyab na binabawasan ng mga pildoras ang natural na asido ng mga babae na siyang nagiging proteksyon nila laban sa bakterya. Kung ang likas na proteksyong ito ay naubos, ang mga micro organismong nagdudulot ng sakit ay aatake sa katawan ng babae, dagdag pa nito.

Ang matataas na estrogen content sa katawan ng isang babae ay magdudulot ng pamumuo ng dugo sa utak at puso, ayon kay de Borja-Palabyab. Mayroong mga naitalang 43 kaso ng mga babaeng binawian ng buhay sa Inglatera dahil sa pamumuo ng dugo sa baga matapos ang pag-inom ng 2nd at 3rd generations pills. Ang mga nasabing artificial contraceptives ay nagdudulot din ng alta-presyon na maaaring mauwi sa stroke.

Samantala, linalason ng Intrauterine Device (IUD) ang egg cell o ova ng babae sa pamamagitan tanso na nakasingit sa matris.

(Oliver Samson)

You May Also Like