Mga kandidato, deklarahin mga gastos sa eleksyon – BIR

senado

PINAALALAHANAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kandidato sa kakatapos na halalan na magdeklara ng mga donasyon at gastos sa kanilang pangangampanya.

Binigyan ng hanggang Hunyo 13 ang mga kandidato upang isumite ang listahan ng kanilang mga nagastos at donasyong natanggap, maliban sa isinumite nilang report sa Commission on Elections (COMELEC).

May karampatang parusang 10 taong pagkakakulong at higit-kumulang P10,000 na multa para sa mga kumandidato na hindi tama ang pagdedeklara sa mga donasyon at nagastos nila pagkatapos ng halalan.

Ang pagtatangkang umiwas sa buwis na kung saan ay mapaparusahan na may fine ng P30, 000 sa P100, 000 at pagkabilanggo mula 2 hanggang 4 taon.

Samantalang ang kakaharapin ng mga kandidatong lumabag sa pagdedeklara ng kanilang mga donasyon at nagastos sa halalan ay mapaparusahan ng multang hindi kukulangin sa P10, 000 at pagkabilanggo ng hanggang 10 taon.

You May Also Like