Mga kandidato, deklarahin mga gastos sa eleksyon – BIR

Hindi natatapos sa eleksyon ang responsabilidad ng mga kandidato – nahalal man o hindi.
Hindi natatapos sa eleksyon ang responsabilidad ng mga kandidato – nahalal man o hindi.

PINAALALAHANAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga kandidato sa kakatapos na halalan na magdeklara ng mga donasyon at gastos sa kanilang pangangampanya.

Binigyan ng hanggang Hunyo 13 ang mga kandidato upang isumite ang listahan ng kanilang mga nagastos at donasyong natanggap, maliban sa isinumite nilang report sa Commission on Elections (Comelec).

May karampatang parusang 10 taong pagkakakulong at higit-kumulang P10,000 na multa para sa mga kumandidato na hindi tama ang pagdedeklara ng mga ito.

Ang pagtatangkang umiwas sa buwis ay may kaparusahan na multang P30,000 hanggang P100,000 at pagkabilanggo mula 2 hanggang 4 taon.

Samantalang ang kakaharapin ng mga kandidatong lumabag sa pagdedeklara ng kanilang mga donasyon at nagastos sa halalan ay mapaparusahan ng multang hindi bababa sa P10,000 at pagkabilanggo ng hanggang 10 taon.

You May Also Like